Rita Daniela 2 days lang naglihi: Basta ang hinahanap ko lagi sabaw saka gulay

Rita Daniela

“EXCITED to be a mom kasi ever since I was a kid, dream ko to be a mom.”

Ito ang bahagi ng pahayag ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela patungkol sa kanyang pagbubuntis.

Ayon sa future mommy, may mga nagbago na raw sa kanyang buhay mula nang malaman niyang pregnant siya courtesy of her non-showbiz boyfriend.

Magkahalong kaba at excitement daw ang nararamdaman niya ngayong papasok na siya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.

“I’m very, very excited and happy because this is a new chapter in my life na hindi siya mapapalitan ng kahit ano, hindi siya matutumbasan ng kahit ano. Excited to be a mom kasi ever since I was a kid, dream ko to be a mom,” sabi ni Rita sa panayam ng GMA.

“Nagdalawang beses na akong nag-portray ng nanay, na sobrang laki pa ng tiyan ko. Dati, iniisip ko pa, ganito ba talaga kapag nanay? Ngayon, nae-experience ko na ‘yung pino-portray ko na dati,” lahad ng aktres.


Ngayong buntis na siya, feel na feel na raw ni Rita ang ilang changes sa kanyang sarili, “‘Yung emotional side, dahil sa hormones, ramdam na ramdam ko na siya tapos ‘yung pagbabago sa physical.

“I’ve always been on the bigger side, mas nararamdaman ko ‘yung balakang ko, at mas lumalaki siya. Sumasakit ‘yung likod ko, napansin ko rin hinihingal ako kahit kumakain ako hinihingal ako. Nu’ng una, hindi ko pa matanggap,” aniya pa.

“Noong una pinush ko pa talaga, ayaw kong maging tamad na buntis e kaya sabi ko, hindi ‘yan, kaso pag pinush ko, bumibigay ‘yung katawan ko.

“Talagang pagod na pagod ako, hindi ako makabangon, hindi ako makalakad kasi masakit paa ko. Totoo pala siya, you really have to take extra care,” sey pa ng dating ka-loveteam ni Ken Chan.

At tungkol naman sa kanyang paglilihi, “Definitely the food, I have to be careful. Maraming nagtatanong, anong pinaglilihian ko, honestly wala.

“Kung maglihi man ako two days lang tapos ayaw ko na. Ang lagi kong hinahanap in every meal, laging may sabaw, laging may gulay, saka fruits. Pinipilit kong kumain ng healthy,” dagdag pa niyang chika.

Ito naman ang message ni Rita sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya, “Thank you so much, that’s my message, thank you so much kasi lagi silang nandiyan.

“Ramdam ko ‘yung mga totoong fans na hindi humihingi ng kapalit, na masaya man ako, malungkot man ako, may pagsubok man sa buhay ko, lagi lang silang nandiyan para sa akin nakasuporta.

“Ang sarap sa feeling na magkaroon ng ganoon na walang kapalit and ever since, ‘yun ang pinaparamdam sa akin ng supporters ko and I’m very grateful talaga,” sabi pa ni Rita.

Unang ibinalita ng aktres sa  publiko ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao noong June 26 sa episode ng “All-Out Sundays.”

https://bandera.inquirer.net/316942/ken-chan-nagsalita-na-sa-pagbubuntis-ni-rita-daniela-im-so-proud-of-you

https://bandera.inquirer.net/280060/juday-muntik-nang-sumuko-sa-love-kasi-parang-feeling-ko-hay-lagi-na-lang-akong-naloloko
https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan

Read more...