Rufa Mae gusto pa sanang magkaanak: Pero ayoko na rin, may kapatid na naman si Athena sa unang ganap ni Trevor!

Rufa Mae Quinto, Trevor Magallanes at Athena Magallanes

KUNG si Rufa Mae Quinto ang tatanungin, gusto niya sanang magkaroon pa sila ni Trevor Magallanes ng isa pang anak.

Kuwento ng veteran comedienne, kung ibe-bless siya ni Lord ng isa pang baby at mabigyan pa ng kapatid si Athena Alexandria ay talagang magtatatalon siya sa kaligayahan.

Pero nilinaw ng komedyana, kuntento at super happy na siya ngayon sa kanyang buhay — bilang wifey ni Trevor at bilang mommy ng nag-iisang anak na si Athena.

“Masaya naman, nakumpleto na ‘yung buhay ko, parang hindi na ako madalas mag-emote, malungkot.

“Parang sobrang busy lang, mas more on lagi akong natataranta, ‘yung hindi mo alam minsan kasi nga kapag nandiyan ‘yung anak mo,” sey ni Rufa Mae sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” sa segment na “May Pa-Presscon.”

At kasunod nga nito ay tinanong si Rufa Mae kung may plano pa sila ng asawang si Trevor na magkaroon ng isa pang anak.

“Gusto ko siyempre pero God’s will, thy will be done. Pero kung hindi man, okay lang na huwag na muna kasi kakabalik ko pa lang.

“At saka parang ayoko na rin. Honestly parang sa akin, okay na ako. At least nagkaroon na ng isa,” sagot ng komedyana.

Dagdag pa niya, “Okay lang may kapatid naman na siya isa, kapag naghahanap. Si Trevor kasi may anak sa unang ganap.”

Sa isang panayam, naibahagi ng komedyana ang ilang kaganapan noong nasa Amerika pa siya at kung paano niya ginampanan ang pagiging nanay ni Athena at ang pagiging misis kay Trevor.

Chika ni Rufa Mae, talagang siya lamang ang gumagawa ng lahat sa kanilang bahay dahil wala siyang yaya at dito nga siya natutong maging independent.

Siya ang nagluluto, naggo-grocery, naglilinis ng bahay at nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan ni Athena.


“Natuto akong maipakita sa anak ko ang normal na buhay. Kung paano magluto, ‘yung talagang naglilinis, at ‘yung kanyang first formative years ay nandoon ako na hands-on sa kanya,” aniya pa.

Nu’ng una raw ay talagang super hirap para sa kanya ang mga adjustment pero nang tumagal na at paulit-ulit na niyang ginagawa ay nasanay na rin siya.

Kaya nang ipaalam na niya kay Athena na magbabalik na siya sa showbiz para magtrabaho ay hindi na siya nahirapan dahil nakaiintindi na raw ito ngayon.

“Madali nang kausapin. Kumbaga puwede na akong maging busy kasi kaka-five niya lang noong February. Nakatapos na siya ng toddler.

“Naipakita ko na sa kanya ‘yung normal na buhay — grocery, magtrabaho, kakain, nag-drive ako, hinatid-sundo ko siya sa school.

“Kumbaga talagang nagampanan ko kasi naging hands-on ako, walang yaya, wala lahat. ‘Yun ‘yung pinakamagandang nagawa ko. But of course palagi pa rin akong hands-on,” sey pa ng komedyana.

https://bandera.inquirer.net/316059/rufa-mae-ibinuking-si-robin-nang-makasama-sa-shooting-grabe-siya-uubusin-ang-pera-niya-para-sa-bayan

https://bandera.inquirer.net/315402/gustung-gusto-ko-rin-naman-sa-us-pero-wala-akong-kausap-dun-nosebleed-na-nosebleed-ako-everyday
https://bandera.inquirer.net/287364/rufa-mae-napabayaan-ang-sarili-inatake-ng-depresyon-sa-us-pero-lumaban-ako-at-kinaya-ko

Read more...