Pagkakaibigang Toni-Mariel hinangaan ng netizens, comment ni Bianca inintriga? | Bandera

Pagkakaibigang Toni-Mariel hinangaan ng netizens, comment ni Bianca inintriga?

Therese Arceo |July 01,2022
facebook
share this

Pagkakaibigang Toni-Mariel hinangaan ng netizens, comment ni Bianca inintriga?

Therese Arceo - July 01, 2022 - 07:36 PM

Pagkakaibigang Toni-Mariel hinangaan ng netizens, comment ni Bianca inintriga?

LABIS na hinangaan ng madlang pipol ang matatag na pagkakaibigan nina Toni Gonzaga at Mariel Padilla.

Sa isang Instagram post kahapon ay proud na ibinandera ng asawa ni Sen. Robin Padilla ang larawan nilang magkasama ng Ultimate Multimedia Star.

Caption ni Mariel, “Tayo pa rin sa finish line @celestinegonzaga.”

Magkasamang ang dalawa na naghahanda para sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon na ginanap sa National Museum kung saan si Toni ang naatasang kumanta ng “Lupang Hinirang”.

Parehas na nagbigay suporta ang dalawa sa partido ng tambalang Marcos-Duterte na UniTeam at ito rin ang partidong nag-endorso sa nangunang kandidato sa pagkasenador noong eleksyon na si Robin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Sa kabila ng mga napakaraming komento ng paghanga sa dalawa ay tila naging paborito ng mga netizens ang comment ng isa pa nilang kaibigang si Bianca Gonzalez.

Pawang tatlong red heart emojis lamang ang naging komento ng Kapamilya host ngunit marami sa mga netizens ang tila minasama ang naturang comment.

Saad ng isang netizen, “Hindi ka kasali. Wag ka dito.”

“Red ngayon ang heart ni Bianca. Akala ko ba pink ang heart?” reply naman ng isa.

May netizen rin na nagsabing in-unfollow ni Toni si Bianca pero nilinaw naman ng isa pang netizen na never naman daw nag-follow si Toni kay Bianca.

Hirit pa ng isa, “Itong babaeng to napakapleaser hahaha sana sumama ka na lang sakanila hindi yung mukha kang tangang pinagpipilitan sarili mo sa mga kaibigan mo…”

Kung may mga nang-intriga ay may mga nagtanggol naman kay Bianca.

“Salute to you po you still choose friendship over pride. You still reach out to your friends. Hindi kaya madali pero she still chose their friendship despite everything. To bashers, ganito sana mindset n’yo instead of saying she’s plastic or what,” pagtatanggol ng isang netizen.

Dating magkakasama sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” sina Toni, Bianca, at Mariel at sa katunayan, tinawag sila bilang “Kuya’s Angels”.

Dahil na rin sa matagal na pagsasama bilang mga hosts ng PBB ay naging malalapit na magkakaibigan ang tatlo.

Ngunit unang namaalam sa programa si Mariel Padilla.

Sumunod naman si Toni na nagdesisyong mag-resign matapos ang kontrobersyal niyang pagho-host sa proclamation rally ng tambalang Marcos-Duterte noong Pebrero.

Umani ng pambabatikos ang singer-actress dahil sa naging pagpapakilala nito kay Rodante Marcoleta na isa sa mga dahilan ng pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN kung saan talent si Toni.

Pinalitan naman siya ni Bianca bilang main host ng programa.

Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang political views ay nanatiling magkakaibigan ang tatlo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Toni suportado nina Mariel at Bianca sa gitna ng kanegahan sa politika: Welcome to the outside world!

Bianca naiyak, napayakap kay Robi sa pagtatapos ng PBB 10: First time kong maka-experience ng ganito…

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending