Rita Daniela ayaw pang ipakilala sa publiko ang tatay ng magiging baby; unang ipinagtapat sa BFF ang pagbubuntis

Rita Daniela

UNANG inamin ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela na siya’y nagdadalang-tao sa kanyang bestfriend na si Cholo Bismonte.

Kuwento ng future mommy, bago niya nasabi sa kanyang pamilya na magiging nanay na rin siya ay ipinagtapat muna niya ito sa pinagkakatiwalaang kaibigan.

Ayon sa “All-Out Sundays” mainstay, hindi raw talaga nag-sink in agad sa kanya na magkakaroon na siya ng baby very soon kaya hindi niya agad ito inamin sa mga magulang at mga kapamilya.

“Sa bestfriend ko, si Cholo (Bismonte) sumali siya sa The Clash. Siya ‘yung una kong sinabihan kasi nu’ng time na ‘yun hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin. Then I called my sister, of course inuna ko ‘yung family,” pahayag ni Rita sa panayam ng GMA 7.

Tungkol naman sa tatay ng kanyang magiging panganay, nabanggit ng aktres at singer na non-showbiz ang guy at matagal na niyang boyfriend.

Hindi naman daw sa itinatago niya ang identity ng tatay ng magiging anak niya pero mas nais muna niyang maging pribado ang kanilang relasyon.

“It’s my non-showbiz boyfriend. The relationship was also private. I am a private person. People close to me know that.

“Ako as Rita I believe not everything dapat malaman ng tao about us,” aniya pa sa nasabing panayam.

“Ever since kasi dati I’ve always been a private person. I’ve been in showbiz for 6 years, sobrang out in the open ‘yung buhay ko.

“Masayang maramdaman ‘yung meron kang alam mong sa ‘yo lang. Iba ‘yung feeling, naga-ground ka, balance ‘yung buhay mo kasi hindi lahat alam sa ‘yo,” pahayag pa ng dating ka-loveteam ni Ken Chan.


Sa “All-Out Sundays” unang ibinalita ni Rita ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, “I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just…naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” ang umiiyak na pahayag ni Rita.

“Thank you so much All-Out Sundays family and, of course, GMA Network for supporting me and for loving me.

“Akalain mo yung, di ba, nagsimula ako dito sa GMA? I was just 10 years old and now, soon I will have a ten years old also and dito na talaga ako.

“Yung journey sa buhay ko, talagang nagsimula sa GMA. Maraming-maraming salamat GMA Network.

“Masaya, I am super happy and proud. At least I can wear na the dress that I want to wear at hindi ko na kailangan, you know. I’m so happy. Ang sarap sabihin,” sabi ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/316942/ken-chan-nagsalita-na-sa-pagbubuntis-ni-rita-daniela-im-so-proud-of-you

https://bandera.inquirer.net/291661/alex-toni-trending-ang-old-photos-luis-di-pahuhuli-sa-pang-aasar-sa-bestfriend
https://bandera.inquirer.net/301168/alex-gonzaga-nag-react-sa-ginawang-pag-crop-ni-luis-sa-kanyang-mukha-ginawa-mo-kong-poster

Read more...