HINDI pa handang makipag-usap ang Nursing graduate na si John Marcelino Rosaldo sa pamunuan ng Lorma Colleges, La Union matapos hindi pagmartsahin sa kanilang graduation ceremonies kamakailan.
Matinding kahihiyan at trauma raw ang naramdaman ng binata pati na rin ng kanyang mga kapamilya dahil sa nasabing insidente.
Hanggang ngayon ay hot topic pa rin sa social media ang ang masaklap na nangyari kay John na ipinost ng kanyang kapatid na si Celene Rosaldo sa social media noong June 23, mismong araw ng graduation.
At kagabi nga, ibinahagi ng dating aktres na si Joy Ortega at elected board member ng District 1 ng La Union sa Facebook, ang official statement ni John tungkol sa nangyari.
Kasama ni John ang kanyang inang si Kathreen Rosaldo nang dumulog sa opisina ni Joy Ortega na masamang-masama pa rin ang loob sa nangyari sa kanyang anak.
“Sobra sobrang kahihiyan ang inabot namin. Hindi kami nakatulog sa napakasakit na karanasan na ito. Pinagkait sa amin ang oportunidad na makaakyat at makamartsa sa graduation ang panganay ko,” sabi ng nanay ni John.
Sa official statement ng estudyante, kinumpirma nga niya na pinaalis siya sa pila ng mga ga-graduate at aakyat sa stage para tanggapin ang diploma dahil hindi na-confirm ang kanyang payment na P2,750 sa graduation fee.
Aniya, tanghali ng June 22, ay nagbayad siya ng graduation fee via GCash sa bank account ng Lorma Colleges La Union pero hindi niya agad nabasa ang mensahe ng accounting office ng school na hinihingi ang screenshot ng kanyang proof of payment.
Naipadala naman daw niya kinagabihan ang screenshot ng digital receipt sa accounting office pati na rin sa kanyang adviser. Wala na siyang natanggap na mensahe mula sa school kaya kampante na raw siya na wala nang problema.
Ngunit nu’ng araw na nga ng kanilang pagtatapos, June 23, lumapit sa kanya sa pila ang isa sa kanyang clinical instructors (CI) at sinabihang hindi siya nga siya makakaakyat sa stage para makuha ang kanyang diploma.
Sinabi ni John na bayad na ang kanyang graduation fee pero pinapunta pa rin siya sa gilid ng venue kung saan naroon din ang iba pang graduating students na hindi pinayagang magmartsa.
“Our names were called and our photos were shown on the screen but we were not allowed to go up on stage to receive our diploma and have that ‘significant’ photo-op,” pahayag pa ni John na halos maiyak na sa sobrang lungkot at naramdamang kahihiyan.
Pagkatapos daw ng pag-aabot ng diploma, sinabihan na raw siya at iba pang estudyante na bumalik na sa kanilang upuan. At dito na nga nakita ni John ang inang lumuluha.
“She was crying with rage and was insistent to know who was behind what had transpired,” pahayag ng binata.
Kasunod nito ay nakatanggap daw siya ng e-mail mula sa kanilang school, “Saw the confirmation email of my payment from the accounting office which was delivered at 9:52am that same day, June 23, 2022.
“I felt robbed of the opportunity to make my family proud to see me up on stage, graduating,” aniya pa.
“It is incredibly traumatizing, devastating, and painful, especially for parents and guardians.
“There was no reason for them to prohibit me from marching. It was unreasonable and unjust on their part,” himutok pa ni John.
Samantala, alam ni John na nais makipag-dialogue sa kanya ng management ng kolehiyo pero hindi pa raw sila handa para rito dahil nga sa matinding trauma na idinulot nito sa kanila.
Ngunit ani John, tinatanggap naman niya at ng kanyang pamilya ang “apology” ng school na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng e-mail.
Mensahe pa ng binata, “May this be a learning experience to all institutions out there. The reevaluation of protocols and policies, must be conducted to avoid such unfortunate incidents in the future.”
Kahapon, naglabas na rin ng official statement ang pamunuan ng Lorma Colleges hinggil sa pangyayari sa pamamagitan ng presidente nitong si Carol Lynn Macagba.
“I requested for us to meet over the weekend, but the family has declined as of yesterday, June 26.
“As we normally do, we investigate all aspects directly and completely to help us understand as much as possible before we make any conclusions so that we may address concerns responsibly.
“We have made factual discoveries that help understand the situation but the social media is not the proper forum for this as we are always respectful of all the parties involved,” sabi ni Macagba.
Wala rin daw intensyon ang management ng kolehiyo na hiyain si John o ng kahit sinumang estudyante.
“To the student involved and his family, I wish to express again that we sincerely sympathize with their family’s feelings.
“I also want to reassure them and everyone that there was no intention nor were there any actions made to cause public humiliation, embarrassment, unnecessary discomfort, stress or anxiety, to anyone,” ang nakasaad pa sa nasabing official statement.
https://bandera.inquirer.net/317111/lorma-colleges-nakisimpatya-sa-estudyanteng-hindi-pinagmartsa-sa-graduation-wala-raw-intensyong-manghiya
https://bandera.inquirer.net/308125/alexa-ilacad-naka-graduate-na-sa-college-still-my-greatest-achievement
https://bandera.inquirer.net/314588/kuya-kim-tinamaan-ng-covid-19-kaya-naka-isolate-hindi-nakadalo-sa-graduation-ng-anak