NAPAKARAMI nang nagbago sa buhay at career ni Anji Salvacion matapos tanghaling “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” Big Winner.
Makalipas ang isang buwan sa outside world, ibinahagi ng singer-actress sa madlang pipol ang ilan sa mga realizations at natutunan niya sa buhay.
Aniya, isa sa life lessons na isinasabuhay niya ngayon ay ang mas pahalagahan pa ang mga maliliit na bagay na dumarating sa ating buhay.
“I am just living my life with gratitude, kasi you could never go wrong.
“And I know that now I am living this kind of life parang mas naa-appreciate ko pa ‘yung mga mas maliliit na bagay na naranasan ko before,” pahayag ni Anji sa isang episode ng “Magandang Buhay”.
Aniya pa, “That’s the thing din na nagbago within me. I learned to appreciate more of the things, especially the little ones.
“Kasi ‘yun ang maaalala at maaalala mo once you go up there and yun din ang makakasalubong mo pagbaba,” sey pa ng Kapamilya youngstar.
Inalala rin ni Anji sa morning show ng ABS-CBN ang mga naging karanasan niya sa loob ng Bahay ni Kuya bago pa nga siya tanghalin bilang “PBB” big winner.
Unang nakilala si Anji nang mag-join sa unang season ng reality singing search na “Idol Philippines.”
* * *
Ibang Kyle Echarri naman ang maririnig sa bago niyang kanta na “Cupid’s Aim,” isang kolaborasyon kasama ang producer na si Moophs at unang solo release niya mula sa Tarsier Records.
Isang R&B, neo-soul track ang “Cupid’s Aim” na tungkol sa mga kayang gawin ng isang tao para sa minamahal niya. Kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang simulan nina Kyle at Moophs na gawin ang kanta pero ngayong taon lang ito natapos.
“Moophs and I have been trying to make a song together for a while now and he sent me this beat during the peak of pandemic. This is a new sound I’ve never shown before,” ani Kyle na sinabing musical influences niya sa kanta sina Drake at Lucky Daye.
Samantala, inalala naman ni Moophs kung paano nila natapos ang awitin. Aniya, halos buo na ni Kyle ang kanta bukod sa huling verse nito, na isinulat nito on the spot sa isang maghapong studio session.
Pinuri rin ng Tarsier Records label head ang galing ni Kyle, na tinawag niyang isa sa mga pinakamagaling na tehnical singer na nakasama niyang mag-record.
“Beyond his melodies he has so many little riffs and licks and harmonies—little details that add a ton of panache and glamor to the final product,” anito.
Napasama ang “Cupid’s Aim” sa weekly editorial playlist ng Spotify na New Music Friday Philippines pagka-release nito.
Umpisa na rin ito ng mas mature na tunog ni Kyle, kasunod ng “New Views” album niya mula Star Pop na may pitong kanta na siya rin ang nagsulat at nag-compose.
Nito lang Mayo, nakatrabaho rin ng Kapamilya artist sina Markus at Moophs para sa kanilang collab na “Hotel Room,” na mayroon nang mahigit 132,000 Spotify streams.
Bukod sa musika, busy rin si Kyle sa kanyang acting career at mapapanood sa upcoming shows na “Lyric and Beat” at “Beach Bros” sa iWantTFC.
Pakinggan ang bagong singe ni Kyle na “Cupid’s Aim” sa iba’t ibang digital music services at sa Tarsier Records YouTube channel.
https://bandera.inquirer.net/315186/anji-salvacion-ibabahagi-ang-napanalunang-pera-para-sa-gamot-ng-kapatid-magpapatayo-na-rin-ng-sariling-bahay
https://bandera.inquirer.net/311300/magdyowang-celebrity-naghiwalay-na-parehong-sumabog-na-nagsimula-lang-sa-maliliit-na-away
https://bandera.inquirer.net/303406/alexa-ilacad-sinagot-ang-tanong-tungkol-kay-anji-salvacion-bakit-naman-kami-hindi-magiging-okay