Bea, John Lloyd away-bati rin ang relasyon: Hindi kami nagpansinan for 3 years…I didn’t like him, he didn’t like me

Barbie Forteza, John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

KNOWS n’yo ba na three years hindi nagpansinan at nag-usap noon ang dating magka-loveteam at super friends pa rin hanggang ngayon na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz?

Ayon sa leading lady ni Alden Richards sa upcoming Kapuso series na “Start-Up”, may panahong galit na galit siya kay Lloydie and vice versa.

Isa lamang ito sa mga rebelasyon ni Bea sa unang episode ng “Coffee Talk with Barbie Forteza” sa kanyang YouTube channel na in-upload lang nitong weekend.

Sa unang bahagi ng vlog, natanong ni Barbie kung kumusta na si Bea ngayong isa na siyang Kapuso at anu-ano na ang naging kaganapan sa buhay at career niya bilang GMA artist.

“So far, so good. But siyempre maraming adjustments, I feel just like in any working environment iba iba tayo ng culture. I’m still trying to blend in but so far, so good. Because maraming kagaya mo na very welcoming. Very happy naman

“Actually, mas concern ko kung naipapakita ko ba ‘yung totoong pagkatao ko sa inyo. Naipapakita ko ba yung work ethics ko in the best way I can. Rather than kung paano nila ako pakikisamahan, mas kung paano ako makikisama,” dire-diretsong pahayag ni Bea.

Hindi naman napigilan ni Barbie ang magpaka-fan girl habang kaharap ang isa sa mga idol niya sa showbiz, “I’m happy na super happy kayo sa amin. Isa kayo sa tinitingala ko sa Philippine Cinema.”


Napagkuwentuhan din nila ang tungkol sa kanilang morning routine at dito nagkabukingan na pareho silang adik sa kape.

“Ako personally, hindi ko kayang humarap sa tao ng walang kape, kumbaga naglo-loading ako (kapag hindi pa nakakapag-coffee),” sey ni Barbie.

Chika ni Bea, “Ganu’n din ako kailangan ko ng coffee on my way to taping. Nanggagaling ‘yung routine o ritual ko sa umaga depende kung gaano katagal yung tulog ko.

“Then before I put on my makeup meron akong parang icy pops para magising at para closed ‘yung pores. Binibisita ko rin ‘yung sequence guide to have an idea paano magiging flow ng araw ko,” sey ni Bea.

Sumunod na tanong ni Barbie, “‘Yung pag-turn on and off ng emotions sa eksena, nagagamit n’yo rin po ba sa totoong buhay?”

“Definitely. Never akong nagpa-pack up ng taping because of my problems. Never mo akong makikitang hindi ready sa trabaho dahil disoriented sa breakup. Never.

“Meron din siyang disadvantage, whenever I’m going through something very hard in my life. Sometimes I would catch myself na parang startled lang and stunned. Minsan hindi ko na nirerespeto ‘yung totoo kong nararamdaman,” paliwanag ng girlfriend ng aktor at negosyanteng si Dominic Roque.

Sa isang bahagi ng vlog ni Barbie, napag-usapan nga nila ang isa sa mga favorite leading man ni Bea na si John Lloyd Cruz. Dito inamin ng award-winning actress na hindi sila agad naging friends ng aktor kahit magkatrabaho na sila.

“It took a lot of hard work. I’ve known John Lloyd since I was 13 years old. Nu’ng umpisa hindi kami friends, hindi kami nagpapansinan for three years. I didn’t like him, he didn’t like me. Until we did a movie together.

“Naging magkaaway kami, galit na galit ako. Galit din siya sa akin. Tapos nagkita kami sa isang movie, sobrang okay na naman kami,” chika ng dalaga.

Patuloy pa niya patungkol sa relasyon nila ni Lloydie, “Napansin ko kapag mayroon siyang pinagdadaanan he would feel na I’m there for him na isasantabi ko ‘yung lahat ng nararamdaman kong mali tungkol sa kanya.

“Ganoon din siya sa akin. Kapag mayroon akong pinagdadaanan, isasantabi niya yung inis niya sa akin. He would be there for me.

“What we have goes beyond friendship and romance, it’s really something special. It’s actually longer than some marriages, so it’s very special to me,” sey ni Bea.

Sundot na question ni Barbie, “So yung relationship n’yo po talaga, beyond friendship and romance or hindi nagtutugma ‘yung schedule ng tadhana n’yo?”

“Feeling ko may ganoon din talaga siguro. I also remember we were mindful to not be together because it’s not going to help our business. I would rather have him there as my friend and as somebody I work with, that works kaysa yung magiging kami and it would be an ugly breakup. Or hindi lang siya ang tugma.

“But if you’re gonna talk about me loving him, of course, I love him. We have reached this point na nag-mature na kami and we’re so comfortable with each other we can actually talk about it like this,” lahad ng aktres.

Tanong pa ni Barbie sa kanyang guest, “Willing po ba kayo to work with an ex?”

“Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe (Marudo) okay ako makipag work. Isa lang naman (sa mga ex ko) yung ayaw ko e,” sagot ni Bea na posibleng ang tinutukoy ay ang dati niyang dyowa na si Gerald Anderson na nang-ghost daw sa kanya.

https://bandera.inquirer.net/287433/bea-big-blessing-daw-ang-pagiging-kapuso-makatambal-kaya-uli-si-john-lloyd-sa-gma

https://bandera.inquirer.net/313481/bea-alonzo-game-na-game-na-sa-reunion-project-nila-ni-john-lloyd-cruz-pero-depende-pa-rin-iyan-kung
https://bandera.inquirer.net/300255/pagbabalik-ni-john-lloyd-sa-gma-dumaan-sa-butas-ng-karayom-willie-walang-makakasundong-babae

Read more...