NAGBITIW ng pangako ang Kapamilya young singer-actor na si KD Estrada para sa kanyang ka-loveteam na si Alexa Ilacad.
Ayon sa binata, handa siyang ibigay ang lahat sa dalaga para lamang mapasaya ito at makalimutan ang mga kanegahang naranasan noon sa kanyang buhay.
“I’ve been super clear about this naman, as in super transparent ako sa answer na ito, I don’t want to sugarcoat it. I want to be with you,” ang pahayag ni KD Estrada sa isang episode ng “Magandang Buhay”.
Natanong kasi ang binata kung ano ba talaga ang tunay na intensiyon niya kay Alexa sa gitna ng chika na nagkakamabutihan na sila at nag-leve up na nga ang kanilang friendship.
Patuloy pang mensahe ni KD kay Alexa, “Alam ko naman na marami kang experiences dito sa showbiz and they are not the best. Pero nandito ako ngayon to give you the best, I want to give you what you deserve.”
Sa isang bahagi ng panayam, diretsahan nang tinanong ng guest co-host ng “Magandang Buhay” na si Judy Ann Santos kung sila na nga ba sa totoong buhay at hindi lang basta magka-loveteam.
“Hindi pa po,” agad na sabi ni Alexa.
“Parang kayo eh,” reaksyon naman ni Juday, sabay sabing “Darating din kayo roon. Iba ang nakikita ko siguro, kasi ako ang outsider.
“Feeling ko may something naman kasi ang genuine ng sagot mo KD. Kaya ako napatanong kasi parang feeling ko nasa malalim na relationship kayo. Pero darating naman kayo roon kasi nandoon ka na,” sabi pa ng Soap Opera Queen.
Samantala, sinagot din ni Alexa ang tanong kung happy ba siya sa piling ni KD at paano siya napapasaya ng binata.
“Masaya ba ako kay KD? Yes. I think this is my happiest. And in what ways? In all the ways, small or big, everything matters to me.
“I think even a lot of, other people can tell and kahit outsider din kapag nakikita nila ako they see that a lot of my walls have been torn down have been broken down and I feel like that I can be carefree and more of myself,” chika ng dalaga.
Nagsimula at sumikat ang KDLex loveteam nang maging celebrity housemates sila sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”. Ayon sa dalawa, hindi nila akalain na paglabas nila ng Bahay ni Kuya ay napakarami na palang sumusubaybay at sumusuporta sa kanila.
Sa ngayon, napapanood ang magka-loveteam sa digital series na “Run To Me” sa pamamagitan ng Kumu at iWantTFC.
https://bandera.inquirer.net/312515/alexa-ilacad-umamin-na-kay-kd-estrada-i-dont-fear-the-future-anymore-because-i-have-you-with-me
https://bandera.inquirer.net/316571/alexa-ilacad-kd-estrada-sa-posibilidad-na-maging-dyowa-the-intent-is-there
https://bandera.inquirer.net/306451/alexa-ilacad-kd-estrada-na-shock-sa-tindi-ng-suporta-ng-madlang-pipol-wow-we-feel-so-lucky