Dennis may open letter din para kay Leon, hiling na makasama muli ang anak: I regret all the times I hid my feelings from you…

Julia Barretto, Dennis Padilla at Leon Barretto

MARAMING bumabatikos ngayon sa komedyanteng si Dennis Padilla at halos lahat ay nagsasabing patahimikin na niya sana ang kanyang nga anak kay Marjorie Barretto.

Kung talaga raw nagmamalasakit siya kina Julia, Claudia, at Leon Barretto, titigilan na niya ang pagpo-post ng kanyang mga hugot bilang ama sa social media.

In fairness, may mga kumampi naman sa veteran comedian matapos maglabas ng saloobin patungkol sa relasyon niya ngayon sa mga anak pero mas marami ang nangnega sa kanya nang mag-post ng open letter si Leon sa Instagram para sa kanya.

Bakit daw kailangan pa kasing isapubliko ni Dennis ang kanyang hinaing, mas mabuti raw kung pupuntahan niya nang personal ang mga anak para makapag-usap sila nang masinsinan.

Nag-sorry na si Dennis kay Leon at sinabi nitong nami-miss lang daw niya ito pati na ang kanyang mga kapatid lalo pa’t hindi nga siya naalalang batiin ng mga ito noong Father’s Day.

Pero mukhang hindi pa nakuntento ang komedyante sa kanyang IG post bilang sagot kay Leon dahil ngayong araw nga, June 27, nag-post din siya ng open letter sa social media.

Hindi pinangalanan ni Dennis kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang liham pero naniniwala ang mga netizens na ito’y para kina Julia, Claudia at Leon.

Ang nais lamang daw ng aktor ay ang makasama muli ang mga anak na tila siyang sagot sa tanong ni Leon na, “Is public sympathy really more important to you than your own children?.Can you please stop resorting to public shaming when things don’t go your way?”

Narito ang nakasaad sa open letter ni Dennis, “To be your father is the greatest honor I have received. It allowed me to touch the grace of God even for a moment and to see my love made flesh.

“I have regretfully made mistakes in my life. I may not have been there for you but I always had you in my heart.

“Sometimes in life there are things that we will never understand why it happened. In the end, I regret all the moments I let slip by.

“I regret all the times I hid my feelings from you. If I could have but one wish, I would love to spend some time with you. After all there is not much more to life than that.”


Samantala, wala pa ring inilalabas na pahayag si Marjorie tungkol sa issue ni Dennis at ng kanyang mga anak.

Sa isang vlog ni Ogie Diaz sinabi nito na naghihintay lang ang dating aktres ng tamang panahon,  “Regarding sa issue ng tampo ni Dennis Padilla na hindi ito nabati ng kanilang mga anak, sinabi lang ni Marjorie na ‘in time’ o darating din ‘yung oras at panahon na magsasalita rin siya para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon.

“Umaasa rin si Marjorie na po-proteksyunan pa rin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon,” sabi ni Ogie.

Dennis Padilla apektado sa open letter ng anak: I am sorry Leon, miss ko lang kayo…

Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Read more...