#PrideMonth: Herlene Budol, Kylie Padilla ibinandera ang suporta at pagsaludo sa LGBTQIA+

Herlene Budol, Andrea Torres at Kylie Padilla

INIALAY ng Kapuso comedienne at aspiring beauty queen na si Herlene Nicole Budol sa LGBTQIA+ community ang kanyang production number sa talent competition ng Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Naganap ito kamakailan sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month kung saan ibinandera ng mga miyembro ng LGBTQIA+ group ang kanilang komunidad.

Isa nga si Herlene o Hipon Girl sa mga naki-celebrate sa naganap na Pride March nitong weekend sa pamamagitan ng kanyang “Gandang Hipon,” dance number.

“Eto po ay alay ko sa #lgbtqia Community sa inyong walang sawa pagmamahal at Supporta sa BBP journey ko. Happy Pride month sa lahat.


“Sana naibigan ninyo ang aking talent presentation Yung dalawang araw na preparasyon ko para ako nag Concert show para sa inyo,” ang caption ni Herlene sa ipinost niyang video sa Instagram at Facebook.

Mensahe pa niya sa lahat ng mga kaibigan at kakilalang gay, lesbian, queer at iba pang grupo na bumubuo sa LGBTQIA+, huwag na huwag isusuko ang mga pangarap sa buhay.

“Lagi mong isuot ang iyong kumpiansa. Ika’y maniwala na lahat ay kaya… Itong laban na ito ay para sa lahat ng kabataan.

“Squammy ka man o indi lahat ay may karapatang magpakita ng angkin galing sa kanilang mga talento,” aniya pa.

* * *

Ikinalungkot at talagang nanghinayang ang isa pang Kapuso star na si Kylie Padilla nang hindi siya naka-join ay nakarampa sa Pride March last Saturday.

Kilala ring ally ng LGBTQIA+ community ang aktres at celebrity mommy kaya plano talaga niyang sumama sa Pride March kasama ang kaibigang si Andrea Torres.

Nagtambal ang dalawang aktres sa lesbian series na “BetCin” kaya gusto sana nilang ipagsigawan sa buong universe ang pagmamahal at pagsuporta nila sa Pride Month.

“Hope everyone has fun! Stand proud in who you are. Truly, standing proud in your truth can be the most freeing feeling.

“‘BetCin’ is the catalyst of my career to explore in my craft. To do things I’ve always wanted to do and things I am afraid of.


“I made so many friends on this set. I made a friend in Andrea such a wonderful human being,” ani Kylie sa isa niyang Instagram post.

Dalawang Pride March ang ginanap sa Manila kamakalawa — ang Metro Manila Pride March and Festival na may temang “#AtinAngKulayaan: Makibeki Ngayon, Atin ang Panahon!” na rumampa sa CCP Open Grounds, at ang “Alab For Love” Pride Festival ng Pride PH sa Quezon City Memorial Circle.

Nagkaroon din ng Pride March sa Baguio, Iloilo, Romblon, Tacloban at sa ilang lugar sa Mindanao.

https://bandera.inquirer.net/312436/bb-pilipinas-international-1994-alma-concepcion-pabor-sa-pagsali-ng-lgbtq-members-sa-mga-beauty-pageant

https://bandera.inquirer.net/298259/payo-ni-maris-sa-aspiring-content-creator-wag-maging-nega-gawin-mo-kung-ano-ang-gusto-mo

https://bandera.inquirer.net/285682/aktres-kayod-sa-lock-in-taping-may-pinag-iipunan-mga-kwentong-lgbtq-tampok-ngayong-pride-month-sa-iwanttfc

Read more...