Ivana Alawi magbubuhay-reyna kahit hindi na mag-artista; hindi mahilig mag-post ng problema sa social media

Ivana Alawi

MARAMI ang nagsasabi na kahit hindi na raw kumayod si Ivana Alawi bilang artista ay magbubuhay-reyna pa rin siya dahil nga milyones na ang kinikita niya sa kanyang YouTube channel.

Bukod dito, marami na ring naipundar na properties ang dalaga at meron na rin siyang mga negosyo na katas ng kanyang pagba-vlog.

Pero sa kabila nga nito, mas ginusto pa rin ng Kapamilya sexy star ang mag-artista at umarte sa harap ng mga camera tulad na lang ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang “A Family Affair.”

Isa kasi talaga ito sa passion ni Ivana at noon pa ay pangarap na niya ang makilala bilang aktres.
Sabi ng aktres at YouTuber, kaya naman daw niyang pagsabayin ang pag-aartista, pagba-vlog at pagbi-business pero siyempre, kailangan pa rin niya ang tulong at suporta ng kanyang pamilya.

“I think importante na may nagma-manage (ng mga negosyo). Katulad sa business ko yung family ko is actually helping me. Yung Mama ko, ate ko, kuya ko, si Mona, so kahit nasa taping ako, I feel safe.

“Kasi nga alam ko naman may nagma-manage ng business and nakaka-focus ako sa pag-taping. Sa vlogging naman, kunwari may naisip ako in advance, sinu-shoot ko siya and then nilalabas ko siya every week,” pahayag ni Ivana.

Ipinagdiinan naman ng dalaga na kahit super busy siya sa kanyang trabaho, priority pa rin niya ang pamilya.


“I think importante lang na may family time kami. That we don’t post everything. Siguro kapag meron kaming time to vlog, hindi kami yung bawat na ginagawa namin bini-video ko. So there is still time for us for family time.

“Kapag may mga problema kami or kapag may personal issues ako, I always try to keep it and resolve it by myself.

“Hindi talaga kami ma-post. And I don’t think kailangan nila ng protection ko kasi lahat sila malalaki na lalo na si Mama. Ha-hahaha! Nandiyan naman si Mama magbantay,” sabi pa ng Kapamilya star.

Samantala, naibahagi rin niya ang ilang mga na-experience niya habang nasa lock-in taping ng “A Family Affair” kung saan kasama niya sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake.

“First time ko makapunta ng Masbate and sobra akong excited. Sobrang ganda ng place. Nakapag-vlog din ako du’n and even the people there, sobrang marespeto, sobrang mabait. So wala akong masabi.

“I really want to go back. It’s really a beautiful place. Masaya siya. Actually nag-enjoy kami. Parang hindi kami nagtatrabaho nu’n.

“Kasi kunwari kapag nasa beach naman ako usually naman ginagawa ko nagho-horseback riding sa beach kahit before, kapag nasa Balesin.

“So masaya siya. At saka sila direk (Jerome Pobocan at Raymund Ocampo), hindi nila ako pine-pressure na kailangan ganito, magpa-sexy ka. Just be yourself kung ano yung who you are,” kuwento pa niya.

Nauna nang inamin ni Ivana na ang pinaka-challenge na hinarap niya sa serye ay ang kanyang mga dramatic scenes.

“Si Cherry Red kasi mapagmahal din sa pamilya. So nung binabasa ko yung script, pareho na pareho kami na mahal na mahal namin yung pamilya namin and if you watch my vlogs makikita mo kung gaano ko vina-value ang family ko.

“Siguro yung pinaka nahirapan ako sa mga iyakan. Ha-hahaha! Kasi pag umiyak ako yung pabebe lang tapos dito pag yung mga drama talagang you really have to do well and nape-pressure ako du’n. Sabi ko, ‘oh my gosh parang, Direk, pangdrama ba ako? Parang pang-comedy. Ha-hahaha!’

“Tapos sinasabi naman nila na kaya ko naman. Sobrang happy ko naman na sinasabi nila direk na they believe in me and hindi nila ako pini-pressure na umiyak. Kung anong kaya mo, ibigay, ibigay mo, kasi maganda. So na-inspire din ako to do better,” chika ni Ivana.

Magsisimula na ang “A Family Affair” ngayong Lunes, June 27, sa A2Z, TV5 at The Filipino Channel. Ito ang papalit sa “The Broken Marriage Vow.”

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Ivana never naging dyowa si Marco; binigyan ng pag-asa si Joshua sakaling manligaw

Read more...