Barbie Imperial hindi pa rin tinatapon ang letters na bigay ni Diego Loyzaga

Barbie Imperial hindi pa rin tinatapon ang letters na bigay ni Diego Loyzaga

BAKIT nga ba hindi pa rin tinatapon ng Kapamilya star na si Barbie Imperial ang mga letters na ibinigay sa kanya ng dating dyowang si Diego Loyzaga?

Sa kanyang recent vlog upload kung saan isinagawa niya ang kanyang room tour ay may mga bagay pa rin siyang hindi pa rin nile-let go na bigay ng dating karelasyon.

Habang nagto-tour ay ipinakita ni Barbie ang stuffed toy na iniregalo sa kanya ni Diego na si Cartman.

“Eto si Cartman. Favorite cartoon character ko ‘to sa South Park. Gift ‘to sa’kin ni Diego e, pero hindi ko ‘to itatapon kasi favorite ko talaga si Cartman,” saad ni Barbie.

May mga ibinahagi rin siya katulad ng mga libro, incense sticks at stones na nagbibigay ng good energy na binili niya matapos ang kanyang recent break up.

Sa bedside corner rin kung saan nandoon ang stuffed toy na si Cartman ay ibinahagi rin niya ang iba pang mga gamit niya.

Dito ay inilabas niya ang isang box na naglalaman ng mga letters at notes mula kay Diego.

“Mayroon akong box dito. Ay nandito pa pala to, char!” pabirong sabi ni Barbie.

Pag-amin niya, “Mahilig kasi akong mag-keep ng mga notes galing sa mga loved ones ko… so itong box na ito, mga letters from Diego before. Mga flowers rin na bigay niya sa akin.”

Pahabol ni Barbie, wala naman daw bad blood sa pagitan nila at maayos silang naghiwalay kaya okay lang na mag-keep ng memories.

“Hay nako, Diego. Kinausap, nanawagan,” natatawang sabi niya. “Wala namang bad blood so memories.”

Pahabol pa ni Barbie, “Tsaka wag feeling special kasi marami pa akong ganito.”

December 2021 nang maghiwalay ang dalawa, isang buwan matapos nilang i-celebrate ang kanilang first anniversary.

February 2022 naman nang kumpirmahin ni Barbie ang kanilang break up ni Diego.

Related Chika:
1998 love letter ni Rico Yan kay Claudine Barretto ‘truth or fake’?

Bea gumawa ng love letter para sa fans: Change is always scary, but it can also be beautiful…

Yam Concepcion naglabas ng open letter para sa pamilya ng asawang si Miguel CuUnjieng

Read more...