WAGING-WAGI ang representative ng Pilipinas na si Fuschia Anne Ravena matapos nitong makamit ang korona bilang Miss International Queen 2022.
Ginanap ang coronation night ng Miss International Queen 2022 nitong Sabado, June 25, sa Thailand.
Talaga namang ibinandera ni Fuschia ang ganda at galing nang talunin nito ang iba pang 22 kandidata sa naturang beauty pageant.
Noong coronation night ay itinanong kay Fuschia kung paano niya nga ba sisimulan ang advocacy ng Miss International Queen at paano nga ba niya ipaparating ang importansya ng equality sakaling manalo siya sa beauty pageant.
“I will start it by influencing other people to spread love, peace, and unity to have world equality because after all, we all live under one sky and we’re breathing the same air and we all live from differences where love is universal,” sagot ni Fuschia.
Samantala, wagi rin ang representative ng Colombia na si Jasmine Jimenez bilang forst runner up at representative ng France na si
Aëla Chanel.
Si Fuschia naman ang ikatlong Pinay na makasungkit ng korona sa kauna-unahang beauty pageant para sa mga transgender women. Una nang magwagi sina Kevin Balot (2012) at Trixie Maristela (2015).