Piolo ingat na ingat sa shower scene nila ni Lovi sa ‘Flower Of Evil’: Nag-enjoy ako! Bitin nga, eh!

Piolo Pascual at Lovi Poe

NABITIN pala ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual sa shower scene nila ni Lovi Poe sa teleserye nilang “Flower Of Evil.”

Nagsimula nang umere sa streaming app na Viu at sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN ang Pinoy version ng nasabing hit Korean drama.

At sigurado kami na isa sa mga aabangan at tututukan ng mga manonood ay ang kontrobersyal na shower scene nina Lovi at Papa P.

Sa nakaraang presscon ng serye, tinawag ni Piolo na “levitating” ang nangyari habang nagsa-shower sila ni Lovi.

Tawa naman nang tawa ang aktres habang sinasagot ang tanong kung ano ang naramdaman niya habang naliligo sila ni Piolo sa nasabing eksena.

“Dapat patutugtugin yung theme song sa shower scene namin. And then, nagpapatawa si Piolo. Sabi ko nga, dapat ‘yung theme song ang naglalaro sa mind ko, pero natatawa ako.

“May love scene kami, pero sinisira niya ang moment. Ha-hahaha! So instead na yung theme song nga ang naglalaro sa mind ko, yung levitating talaga ang naglalaro,” kuwento ni Lovi.

“But it was nice. It’s a great experience. Ha-hahaha!” pahabol pa ng dalaga.


“Very elegant and glossy ang scene. Iba ang mga shot ni Direk, merong mga pa-water, pero siyempre, may separate shot ang abs ni Piolo. As requested by many, dapat may shot ang abs!” humahalakhal pa niyang chika.

Para naman kay Piolo, “Game na game si Lovi, kaya nakakatuwa. Parang, wow, ang sexy-sexy!

“Ang hirap lang talagang i-censor, kasi we were both half naked. Pero, napaka-sensual naming pareho sa eksena.

“So, kailangan kong i-filter, kailangang ingatan talaga para hindi masyadong sensual ang eksena. Pero, nag-enjoy ako! Bitin nga eh!” humagikgik pang sabi ni Papa P.

Actually, dream come true kay Lovi na makatambal si Piolo sa isang  teleserye. Aniya, kahit noong nasa GMA 7 pa siya, ini-imagine na niya na magkatrabaho sila ng Kapamilya actor.

Kaya naman todo ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil tinupad ng network ang matagal na niyang pangarap at ang bonus pa, sila ang napiling bumida sa Pinoy version ng isa sa pinaka-favorite niyang Korean drama.

Aminado naman ang dalawang bida ng “Flower Of Evil” na nakaramdam din sila ng matinding pressure habang ginagawa ang serye kaya naman talagang effort kung effort ang buong production para mapaganda ang programa.

“I think pressure is always good because with that pressure, we create something beautiful. With a touch of our own emotions, we created something amazing, at ginawan siya ng pusong Pilipino,” sabi ni Lovi.

Pagsang-ayon naman ni Piolo sa kanyang leading lady, “You have to create your own. At the end of the day, it is about coming up with something new. The way we adapt it is very Filipino.”

Kasama rin sa “Flower Of Evil” sina JC de Vera, Agot Isidro, Jett Pangan, Joross Gamboa, Joem Bascon, Denise Laurel at marami pang iba.

Lovi biglang umiyak sa presscon ng ‘Flower of Evil’; hindi malilimutan ang pakikipag-usap sa audioman at cameraman

Dimples shookt sa surprise baby shower party nina Angel at Bea: Yung look mo para sa shoot pero…

Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Read more...