Alden mas nag-effort bilang leading man ni Bea sa ‘Start-Up PH’, kailangang lumebel kay Kim Seon Ho

Kim Seon Ho at Alden Richards

MAS tumindi pa ang pressure na nararamdaman ngayon ng Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagbibida nila ni Bea Alonzo sa Pinoy adaptation ng Korean series na “Start-Up.”

Ito’y dahil na rin sa panibagong tagumpay na tinatamasa ng pinagbidahan din niyang serye sa GMA 7 na “The World Between Us” na siyang kauna-unahang Pinoy series sa Amazon Freevee.

Ayon sa TV host-actor at recording artist, kailangan niyang doblehin o triplehin pa ang kanyang effort sa pagganap bilang si Tristan “Good Boy” Hernandez ng “Start-Up Ph.”

“Siyempre, nanggaling na tayo sa magandang project, which is being recognized na, of course, mas double effort dito (Start-Up), mas double effort namin dito because this is an adaptation and it is a K-Drama na talagang minahal ng millions all over the world,” pahayag ni Alden.

Ayon pa sa binata, maraming pagbabagong ginawa ang production sa serye para mas maka-relate ang Filipino viewers, kabilang na nga sa karakter bilang si Tristan o “Good Boy” na ginampanan ni Kim Seon Ho as Han Ji-pyeong sa Korean version.

“The thing about adaptations kasi is may blueprint ka na, e. When you say adaptation, it means you’re getting inspiration from an original material,” sey ni Alden sa panayam ng GMA Network.

Aniya pa, “Ito kasi, mas ginawang Pinoy ‘yung Start-Up. I mean, kung dito siya gagawin sa Pilipinas, kung ang ‘Start-Up’ ay nagsimula sa Pilipinas, ganito ang itsura niya, ganito ‘yung packaging niya.”

Pero paglilinaw ng Pambansang Bae, “Hindi naman nalalayo sa original K-drama series but may Filipino taste kasi siyempre, when we say adaptation, hindi naman puwede na gayahin natin siya na Korean na Korean talaga.


“Kailangan kasi kahit paano, when we show Start-Up Philippines to the audience, mayroon pa rin mga common connectors kasi ganu’n naman tayo when we watch series, or even movies, hinahanap natin kung saan tayo makaka-relate, e.

“The writers, the creatives really did a wonderful job creating those connectors para sa audience na, ‘Ay, meron din ako n’yan. Ay, ganito rin ako.’

“Very Pinoy pa rin siya but at the same time, ginagawa siya in the blueprint of the K-drama series,” dagdag pa niyang paliwanag.

Sa panayam naman kina “Start-Up Ph” director Jerry Sineneng at Dominic Zapata, siguradong matutuwa naman daw ang fans nina Bea at Alden sa mga changes na ginawa ng produksyon.

Sey ni Direk Jerry, “The little touches like pagmamano, the way you respect the elderly, like the way we show our love for the elderly, iba. Magkaiba kasi tayo sa Korea sa ganu’ng bagay.”

Nagbigay naman ng example si Direk Dominic sa ilang pagbabago serye, “Kunwari si Good Boy (Han Ji-Pyeong) nagsungit sa harap ni lola. Nu’ng pinanood ko kasi originally ‘yung ‘Start-Up,’ I thought, ‘Kaya niyang sungitan ng ganu’n ‘yung lola? Matitiis niya nang ganu’n?'”

“Sa Filipino, baka hindi ka na kayang patawarin. Mapapatawad natin si Good Boy nu’ng bata siya kasi alam nating hindi siya Filipino pero ‘pag makakita ka ng Filipino na ganu’n ang pagtrato sa nakakatanda sa kanya, medyo issue ‘yun. So you kind of temper that,” paliwanag ng direktor.

Puro papuri rin ang ibinigay ng dalawang direktor kina Bea at Alden. Sey ni Direk Jerry, “They brought life sa characters na in-assign sa kanila, and hindi lang life, kung hindi napakahusay na pagbibigay buhay sa characters na ibinigay sa kanila. And when they are together in a scene, magic, it lights up.”

Para naman kay Direk Dominic, “We are not setting the bar any lower than what you viewers expect. In fact, I think the viewers, when you give them something high, they want something more and that’s all right because that’s what you deserve.”

Makakasama rin sa “Start-Up Ph” sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Gina Alajar, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo at marami pang iba. Mapapanood na ito very soon sa GMA Telebabad.

https://bandera.inquirer.net/308038/start-up-nina-alden-at-bea-lelebel-sa-descendants-of-the-sun-nina-dingdong-at-jennylyn
https://bandera.inquirer.net/313354/alden-feeling-nostalgic-nang-makatrabaho-si-bea-idol-ko-yan-ngayon-kaeksena-mo-na-seryoso-ba-to

https://bandera.inquirer.net/315838/hindi-na-ako-tulad-ng-dati-na-mai-in-love-tapos-mababaliw-uunahin-ko-muna-sarili-ko-at-mga-anak-ko

Read more...