Raymond Gutierrez proud na ibinandera ang dyowa

Raymond Gutierrez proud na ibinandera ang dyowa
ISINAPUBLIKO na ni Raymond Gutierrez kung sino nga ba ang mystery guy na nagpapatibok ng kanyang puso.

Ngayong Sabado, June 25, nag-post siya ng larawan kasama ang kanyang dyowang nagngangalang Robert William.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita at pinangalanan ni Raymond ang kanyang boyfriend buhat nang aminin nito na parte siya ng LGBTQ+ community.

Sa unang larawan ay makikita silang masayang naglalakad sa tabingdagat habang magkahawak kamay at sa sumunod naman ay magkayakap at magkahalikan sila ng kanyang boyfriend.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines,” saad ni Raymond sa kanyang Instagram post.

Buo naman ang suporta ng kanyang mga kaibigan at mga kaanak at umulan pa nga ng heart emojis ang naturang IG post niya.

“The launch! Love it!” komento ni Wil Dasovich.

Saad naman ng kanyang kambal, “Happy for you @mond!”

“I’m so happy I could cry,” sey naman ni Nicole Andersson.

Unang inamin ni Raymond ang kanyang relasyon sa podcast ni Wil Dasovich noong June 1.

Samantala, mas naging madetalye naman siya ukol sa kanyang dyowa nang ma-interview siya ng beauty doctor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog.

Dito ay inamin niya na nasa field ng law si Robert William at sa katunayan ay marami siyang natutunan tito nang magtanong siya ukol sa kontroversyal na court case nina Amber Heard at Johnny Depp.

Inamin rin niya kung paano sila umang nagkita at ang instant chemistry na namagitan sa kanila.

“I think we had chemistry and, like, you know, the connection was there and that’s not something that you get that quickly and that feeling, you don’t really get it so fast,” pagbabahagi ni Raymond.

Related Chika:
Raymond inalala ang pambu-bully ng kapwa celebrity, takot pumasok sa dressing room: Sasabihin nila, ‘Yan yung bakla, di ba?’

Raymond Gutierrez happy ang lovelife, aminadong in a relationship na

Raymond umaming beki para na rin sa mga biktima ng pambu-bully, diskriminasyon sa LGBTQ community

Read more...