Kim Chiu, Xian Lim nagsimula nang mag-shooting para sa reunion movie nilang ‘Always’

Kim Chiu at Xian Lim

NAGSIMULA na ang first day shooting ng “Always,” ang movie na pinagbibidahan ng magdyowang sina Kim Chiu at Xian Lim mula sa Viva Films.

Naglabasan na sa social media ang photos na kuha sa kanilang unang mga eksena sa nasabing movie at kilig na kilig ang mga fans ng dalawa.

Bago ito, nag-post si Xian ng ilang photos kasama si Kim sa kanyang Instragram account. Siyempre,  their fans felt giddy.

“I missed sharing the big screen with you@chinitaprincess,” say ni Xian sa kanyang caption.

With that, napa-react ang host ng “It’s Showtime” who said, “Ano ba yang last pic na yan!!!!! hahahahahaha. di ako ready!!!!!”

Ang daming nag-react sa photos na iyon ng dalawa.

“Yes ito na talaga ang pinaka-hihintay naming lahat  for sure blockbuster to. thank you for sharing po.”

“Omgggg!!! Finallyyyyy.”

“OH EM GEE!!! THIS IS IT!!!! #ALWAYS.”

“Super excited na us! #KimXi.”

“Waaaahhh im so excited.”

Matagal nang hindi nagkasama ang magdyowa sa isang project. Ang alam namin, they worked together the last time sa hit teleserye na “Love Thy Woman” na more than two years na.


For sure, aabangan ng fans nila ang movie nilang dalawa. Na-miss nila nang todo ang dalawa, ‘no!

Actually, ipinost din ni Kim sa kanyang Instagram ang kaparehong photos na ipinost ni Xian.
“Mukha ng nagkakahiyaan!!! @xianlimm Its been a while, it feels different, but Im excited.

“I guess this is how it feels acting with you after so many years!thank you @viva_films. miss being in this field so much.

“Thanks again! First day feels nangangalawan in me. Lels. thanks for the patience direk @dadolumibao looking forward for people to see this movie.”

That was the caption of “It’s Showtime” host.

Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Magdyowang celebrity naghiwalay na; parehong sumabog na nagsimula lang sa maliliit na away

JaMill pinuntahan ng taga-BIR sa bahay: Inaasikaso na po namin ngayon sa tamang paraan

Read more...