Angel Aquino natulala sa taping: Ang husay ni Mega, ang husay ng lahat dito sa Probinsyano…lagi akong starstruck!

Angel Aquino at Sharon Cuneta

NAGPAKA-FAN girl ang award-winning actress na si Angel Aquino habang pinanonood ang isang makabagbag-damdaming eksena ni Sharon Cuneta sa “Ang Probinsyano.”

Hindi napigilan ni Angel ang matigilan at mapanganga matapos masaksihan ang kinukunang eksena ni Mega sa long-running action-drama series na “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Isa si Angel sa mga original cast member ng primetime hit series ng ABS-CBN na gumaganap bilang General Diana Olegario, at todo-todo ang pasasalamat niya sa buong production dahil hanggang ngayon ay kasama pa rin siya sa programa.

At bukod nga rito, super thankful din siya dahil bukod kay Coco at sa magagaling na artista ng serye, ay nakatrabaho niya uli ang nag-iisang Megastar. Nagkasama noon ang dalawa sa pelikulang “Crying Ladies.”

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Angel sa madlang pipol kung gaano kataas ang respeto niya kay Shawie pero mas nadagdagan pa ang paghanga niya sa movie at OPM icon nang makasama nga niya ito sa “Ang Probinsyano.”

Sabi ng aktres, “I am on fan mode again. Couldn’t resist watching her from the monitor because I read this on the script.


“The scene was painfully quiet and long and she had to sustain her tears but I know how tired and probably emotionally drained she already was at that point. It was a heavy day for Mega.

“Yet magic still unfolded before my eyes; it was captivating. Her emotions were so real I could taste her tears and hold her pain.

“Lucas (Joseph Marco) was amazing too. He made good use of what Mega gave him and in the end they created an excellent, heart wrenching scene.

“Ang husay ni Mega.. ang husay ng lahat.. dito sa Probinsyano, lagi akong starstruck,” ang buong caption ni Angel sa kanyang IG post.

Sa isang nakaraang panayam, sinabi ni Angel (na isang proud single mom sa dalawa niyang anak na sina Iana at Thea), na isa sa mga biggest blessing niya sa buhay ang “Probinsyano”.

“Truly grateful. God knows kasi what’s best. So, he knows ‘di ba that I need to provide for the girls, ‘di ba?” sabi pa ng actress-model.

Nagsimulang umere ang serye ni Coco noong September, 2015 at napasama naman si Angel sa programa noong 2017. At mula nga noon ay hindi na natanggal ang karakter niya sa kuwento.

KC may emosyonal na pa-tribute kay Mega: There’s nothing like having your own mother’s love…

Sharon naging instant fan ng pagla-live selling ni Mariel: Tuwang-tuwa ako sa ‘yo bebe! Ang cute mo!

Mega hindi papayag na basta na lang mabura ang tambalang Sharon-Gabby sa showbiz

Read more...