HOROSCOPE September 24, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pag-ibig, hindi ang puso ng ibang tao ang sayo ay magpapaligaya, kundi ang sarili mo. Sa pinansyal, kahit na anong negosyo lalo na’t medyo chubby ka, tiyak ang pagyaman. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung hindi na magiging isip bata, mas mabilis na uunlad ang kabuhayan at sa pag-ibig kung magiging matured na ang iyong personalidad, wala ng kabiguan pang malalasap. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om Arhate-Om-Padme.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— “Ganda” ang susi ng ligaya at tagumpay. Anoman ang iyong ginagawa, pagkakaperahan man o pakikipag-relasyon, pilitin mong pagandahin. Kapag nagawa mo yan, maraming pagpapala at magagandang kapalaran ang kusang darating. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodha-Dhipana-Om.” Beige at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Iwasang ma-addict sa sugal, wala kang mapapala diyan. Sa halip na itapon ang salapi sa walang kapararakang mga bagay pagiging makunat at kuripot ang sikreto ng pagyaman. Sa pag-ibig, wag mo namang pagkuriputan ang iyong minamahal, upang hindi siya magtampo. Mapalad ang 5, 8, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om” Lilac at blue  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Simple lang ang sikreto ng tagumpay. Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit lonely sa pag-ibig hindi mo ba napansin mas mapalad sa iba? Wag malungkot, dahil kapag malungkot ang Leo lalo lang siyang mamalasin. Sa pag-ibig at pinansyal, maging masaya ka lang, kusa ka ng susuwertehin. Mapalad ang 7, 23, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas
Virgo – (August 23 – September 22)—  Bilis ang susi ng tagumpay at ligaya. Anoman ang ginagawa, panliligaw man o pagpapa-charming, at kahit na may kaugnayan sa salapi, bilisan mo lang at makikita mo, kusang mapapasayo ang lahat ng nais mo. Mapalad ang 5, 9, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Om.” Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— ‘Wag kang inggitera. Sa halip, ituloy mo lang ang mga pagsisikap at sa bawat araw na lumilipas anoman ang ipagkaloob sa iyo ng tadhana, matuto kang makuntento. Tandaang “contentment” ang sikreto ng masayang buhay. Mapalad ang 6, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Lilac at  maroon ang buenas
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mahusay na pakikitungo sa kapwa ang kailangan. Sa pag-ibig, gamitin ang husay sa pambobola. Sa pananalapi, kailangang marunong kang mang-uto. Kapag nagawa mo iyan, kusa ka ng aasenso at liligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat mainip sa pagdating ng magandang kapalaran. Ang mahalaga patuloy kang naghihintay. Pagpasok ng buwan ng Oktubre, kusa ng aayon sayo ang tadhana. Mga oportyunidad ng pagkakaperhan ang darating at sa pag-ibig muli kang liligaya. Mapalad ang 3, 9, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Purple at gold ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bawal magalit! Sa mahinahong pakikipag-usap mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, kung hindi mo aawayin ang kasuyo lalong iinit at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 8, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Iwasan ang mga taong bobo at sira ang pamilya, upang hindi ka mahawa sa kanila. Sa mga taong may mabuti at matitinong pamumuhay kang makipagkuwentuhan, upang mapunta sayo ang suwerte nila. Mapalad ang 4, 10, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  ‘Wag kang puro dada. Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa bilog na mga bagay tulad ng prutas, pagkain at dekorasyong pang-pasko upang sa Holiday Season na ito, tuloy-tuloy ka ng umasenso. Mapalad ang 7, 8, 27, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Dosya-Om.” Gold at purple ang buenas.

Read more...