PARA kay Arron Villaflor, posibleng ma-in love siya sa isang private escort.
“Possible naman. In reality, minsan nasu-surprise na lang tayo sa mga bagay na hindi naman natin ini-expect,” say ng binata sa zoom conference ng digital series na “Wag Mong Agawin Ang Akin”.
When asked kung patitigilin niya ang kanyang escort girlfriend, ito ang sagot ng binata, “I can’t answer that. It’s a very hard question. Mahirap magsalita nang patapos. Possible siya. Maraming bagay na puwedeng mangyari talaga.
Malaki ang pasasalamat ni Arron sa Vivamax dahil muli siyang nakabalik sa paggawa ng series. Ang last TV series niya ang ang “Ang Probinsiyano”.
“Dalawang taon na akong hindi nakakabalik sa series. I am glad and thankful na may panibagong blessing and it’s under Vivamax. I am excited to work with them,” he said.
“Sabihin na natin, medyo kupal ang character ko dito and I like it,” he said.
Nang matanong kung gaano siya kapangahas sa series, Aaron said, “Wait for it na lang po. Can I say na I’ll surprise you.”
Nang matanong siya kung ano ang hindi maaagaw sa kanya, ito ang sagot ng aktor, “Siguro ang masasabi ko ang talent ng bawat isa, kabutihan ng bawat isa. I am still thankful that I am still alive from pandemic.
“Sa dami ng namatayan, nawalan ng mga kamag-anak o pamilya dahil sa pandemic na nito. Sa lahat ng nawalan ng pag-asa dahil during pandemic na gaya ko, mahirap din talaga dahil hindi tayo handa sa pagsubok na ito.
“But then dahil buhay pa tayo until now, let’s be grateful everyday paggising natin.
“Kahit paano may trabaho pa rin tayong nakukuha at may nakikilala pa tayong mga taong nakikilala na nakakatulong sa atin. I feel blessed, thankful. Laban lang tayong lahat,” sabi ni Arron.
https://bandera.inquirer.net/314305/arron-villaflor-sa-pagkatsugi-sa-ang-probinsyano-hindi-ko-nga-alam-kung-bakit-bigla-akong-nawala
https://bandera.inquirer.net/315496/angeline-inaatake-ng-post-partum-depression-minsan-bigla-na-lang-akong-iiyak-tapos-galit-na-galit-ako-sa-tatay-ng-anak-ko
https://bandera.inquirer.net/292597/pauleen-nalulungkot-natatakot-sa-ilang-negatibong-epekto-ng-online-class-kay-tali