NAPA-SANA all at napa-wow ang netizens nang makita ang mga bonggang litrato ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Switzerland.
Talagang pinusuan at ni-like hindi lang ng kanilang mga social media followers ang kanilang mga photos kundi pati na rin ng sandamakmak na K-drama fans.
Hindi pinalagpas ng certified Korean Drama fanatic na si Jinkee Pacquiao ang pagkakataon na mabisita ang ilang lugar sa Switzerland na ginawang location ng 2019 K-series na “Crash Landing On You.”
Siyempre, kasama rin ng power couple ang kanilang mga anak doon minus Jimuel Pacquiao na nasa Amerika ngayon kung saan kinakarir nito ang kanyang amateur boxing career.
Sa isang IG post ni Jinkee makikita nga sila ni Manny na super sweet habang nagpapa-pictorial sa mga lugar kung saan kinunan ang ilang nakakakilig na eksena sa “Crash Landing On You” na pinagbidahan ng real-life couple at Korean superstars na sina Hyun Bin at Son Ye-Jin.
Sa Interlaken region ng Switzerland sinyut ang ilang iconic scenes ng “CLOY” na talagang nagpakilig at nagmarka sa mga Pinoy fans.
Sa lugar kung saan nagpa-picture sina Manny at Jinkee kinunan ang pier scene kung saan unang nagkita ang mga karakter nina Hyun Bin at Son Ye-jin na sina Yoon Se-ri at Captain Ri.
Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang mga sweet photos ng celebrity couple at halos lahat ay nagsabing sana raw ay makapunta rin sila sa Switzerland para makapunta sa naging location ng “CLOY.”
“I love it Madam!!!!” comment ni Mariel Padilla.
Sey naman ni Ruffa Gutierrez, “Love it!!!”
“OMG dito ba yung Crash Landing???” komento ng isang netizen.
“Awww sooo nice Jinkee!” ang mensahe naman ng isang IG follower ni Jinkee.
“Omg!!! Bucketlist!”
“Frame this sis!”
“Hala oi ka sweet!”
Yan ang iba pang reaksyon ng mga nakakita sa “CLOY” photos nina Jinkee at Manny.
Nauna rito, ilang araw munang naglagi sa Germany ang pamilya Pacquiao bilang bahagi ng first leg ng kanilang European vacation.
https://bandera.inquirer.net/309601/hyun-bin-son-ye-jin-ikinasal-na
https://bandera.inquirer.net/289579/viceion-lalong-tumatamis-ang-samahan-bela-at-sarah-muling-nagkita-sa-switzerland
https://bandera.inquirer.net/297251/fwd-donbelle-fans-niregaluhan-ng-bonggang-billboards-sina-donny-at-belle-sa-us-korea-at-switzerland