Father’s Day hugot ni Dennis kay Julia, 2 pang anak: You forgot to greet me last Sunday…hehehe! Love you!

Dennis Padilla, Leon, Julia at Claudia Barretto

SIGURADONG na-hurt at inatake ng lungkot ang veteran comedian na si Dennis Padilla nitong nagdaang selebrasyon ng Father’s Day.

Mismong si Dennis ang nagsabi na hindi raw siya binati ng tatlo niyang anak kay Marjorie Barretto last June 19, Araw ng mga Ama.

Nag-post ang komedyante sa kanyang Instagram account kahapon, June 22, ng mensahe para sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Idinaan niya sa biro ang kanyang IG post pero base na rin sa mga comments ng nakabasa nito, ramdam nila ang sama ng loob at lungkot ni Dennis.

Unang ipinost ng beteranong komedyante ang throwback photo nila ni Leon, aniya sa caption, “Leon… You forgot to greet me last sunday … hehe… Love you ingat… (praying hands, heart emojis).”

Sa next photo naman na ibinahagi niya sa IG ay ang litrato ng dalawang anak na babae na sina Julia at Claudia.

Ang isinulat niyang caption dito ay, “Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more (praying hands, heart emojis).”


Deleted na ang ang dalawang post ni Dennis sa Instagram pero may ilang netizens ang nakapag-screenshot dito at ibinahagi sa kanilang social media accounts kaya mabilis ngang kumalat.

Base sa mga nabasa naming comments ng netizens,  naaawa raw sila kay Dennis na tila nanlilimos pa ng kaunting panahon at atensiyon mula sa mga anak nila ni Marjorie.

Ilang beses na ring naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa tatlong anak pero paulit-ulit pa rin niyang sinasabi na mahal na mahal niya ang mga ito at handang sumuporta sa lahat ng kanilang mga ginagawa.

Nitong lamang nagdaang Marso, kinaawaan din si Dennis ng mga netizens nang hindi man lang daw sinagot ni Julia ang birthday greeting sa kanya ng ama sa Instagram.

Nag-post noon si Dennis ng throwback picture niya kasama si Julia na kuha noong nag-graduate ang dalaga.

“Julia… Advance happy bday anaj i love you,” ang caption ng komedyante.

Sinundan pa niya ito ng pagbabahagi ng litrato ng anak na mukhang nag-flower girl sa isang kasal. Sey niya sa caption, “Julia…. Time really flies… Advance happy birthday… Love you anak.”

Sa dalawang birthday greeting ni Dennis, ni isa raw rito ay walang reply o comment si Julia.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Julia at ng dalawa niyang kapatid tungkol sa isyung ito.

https://bandera.inquirer.net/286715/julia-may-isyu-na-naman-kay-dennis-dedma-sa-fathers-day
https://bandera.inquirer.net/316545/ruffa-naloka-sa-sinabi-ni-yilmaz-nang-muling-makita-ang-2-anak-wag-kang-mag-alala-next-mo-silang-makikita-after-15-years-din

https://bandera.inquirer.net/286650/celebrity-moms-proud-na-ibinandera-ang-tatay-ng-mga-anak-ngayong-fathers-day

 

Read more...