Angeline sumabak agad sa trabaho matapos manganak: Ang daming bayarin at nakatutok talaga ako kay Baby Sylvio

Nonrev Daquina, Angeline Quinto at Baby Sylvio

TATLONG buwan dapat magpapahinga ang Birit Queen na si Angeline Quinto matapos manganak sa panganay niyang si Baby Sylvio.

Yan daw ang payo ng kanyang doktor para masiguro na okay na okay na siya after giving birth sa first baby nila ng non-showbiz partner niyang si Nonrev Daquina.

Ayon kay Angeline, ibang-iba na ang priorities niya ngayon sa buhay mula nang maging nanay siya, siyempre more than anything, ang anak na niya ang palagi niyang inuuna ngayon.

“Hanggang ngayon, kapag nakikita ko yung anak ko, hindi ako makapaniwala na may sarili na akong anak.

“Ang sarap sa pakiramdam na after mawala si Mama Bob noong 2020, ang daming nangyari sa buhay ko to the point na gusto ko ng ihinto ang trabaho ko sa showbiz dahil nag-iba ang buhay ko noong nawala ang Mama.


“Ang Mama Bob ang mundo ko at ginagawa ko ang lahat sa kanya. Pero mabait ang Diyos. Sa araw-araw na pagdarasal ko, ibinigay niya sa akin si Baby Sylvio at binigyan ako ng bagong purpose sa buhay ko,” pahayag ni Angeline sa isang panayam.

Pagpapatuloy pa ng singer-actress, “Mas lalo akong excited na makapagtrabaho pa po para sa kanya,” aniya pa.

Kasunod nito, nabanggit ng celebrity mom na isang buwan lang siya nagpahinga sa halip na three months pagkapanganak kay Baby Sylvio.

“Sa totoo lang, pinaalam ko sa doktor ko na magtrabaho after one month pa lang pero dapat three months. Pero dahil sa marami nang naipon na babayarin, one month pa lang kailangan ko na magtrabaho,” sabi pa ng singer.

Tulad ng ibang celebrity mom, hands-on din si Angeline sa pag-aalaga sa anak nila ni Nonrev.

“Kahit na may kasama kami sa bahay, ako pa rin ang tututok sa kanya simula umaga hanggang madaling araw.

“Pero kapag meron naman akong commitment ng umaga, the next day, yung papa niya naman. Bigayan naman kaming dalawa. So siya yung nagbabantay ng gabi tapos kinabukasan ako naman. So kaming dalawa hands on po,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Angeline tungkol aa anak,  “Sylvio is only one month and three weeks. Tuwing pinaliliguan ko sya, ang taas ng boses niya kapag umiiyak.

“Sinanay ko kasi si Sylvio na nasa tiyan ko pa lang nakikinig lagi ako ng music hanggang sa lumabas na sya, nandyian na siya, pinaparinig ko sa kanya mga kanta ko. Para maging aware siya na singer ang nanay niya. Belter ito paglaki,” chika pa niya.

“Talagang very challenging and fulfilling ang pagiging mommy. Mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak kailangan mong alagaan nang maigi ‘yung sarili mo at ‘yung baby mo.

“Kaya naman sobrang nakaka-relate talaga ako sa pagka-choosy ng mga mommy nowadays sa pagpili ng mga products na ginagamit nila. Kasi kahit ako very pihikan sa mga ginagamit namin ni Baby Sylvio,” paglalahad ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/312053/angeline-tinupad-ang-pangakong-isusunod-ang-pangalan-ng-anak-kay-mama-bob-motherhood-unlocked

https://bandera.inquirer.net/307820/angeline-quinto-nasasaktan-sa-tuwing-bina-bash-ang-partner-hindi-nyo-naman-alam-ang-pinagdaanan-namin
https://bandera.inquirer.net/313890/angeline-quinto-may-pa-face-reveal-ni-baby-sylvio-nagulat-sa-natuklasan-sa-partner-na-si-nonrev

Read more...