Walang ipinakitang kamalditahan o kaartehan si Marian Rivera habang sinu-shoot ang pelikula “Kung Fu Divas”. Ito ang siniguro ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang tanungin siya tungkol sa working attitude ng Kapuso Primetime Queen.
Sey ni Ai Ai mali ang pagkakakilala ng ilan sa kanyang co-star sa “Kung Fu Divas”, lalo na sa isyung kumalat na may attitude problem ang aktres at may kasamaan ang pag-uugali.
Sa katunayan, nakatagpo raw siya ng bagong kaibigan sa katauhan ng girlfriend ni Dingdong Dantes. “Di ba yung sinasabi nila na mataray siya, ma-ganito siya.
Actually, nakakatawa, kasi parang kabaliktaran naman yun! Kasi sweet siya, e. Totoo, sweet siya. Hindi dahil gugulpihin ako ng fans mo, Baby Girl. Pero, totoo, sweet siya.
“Araw-araw meron akong pasalubong, yung mga ganu’n. Hindi naman kailangan mahal. Pero para isipin niya ako habang nagsu-shoot siya, habang may soap siya noon ha? Naiisip niya pa ako, ‘Ay, si Ate Ai bibilhan ko nito.’
“And yun, natutuwa ako sa gesture na yun. Parang sabi ko na talagang malaki ang heart ni Marian,” paliwanag ni Ai Ai sa presscon ng “Kung Fu Divas” directed by Onat Diaz na showing na sa Oct. 2 nationwide under Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory. Co-producers din nito sina Ai Ai at Marian.
Gandang-ganda naman si Ai Ai kay Marian at inggit daw siya sa kaputian nito, “Noong unang makita ko siya, ang puti, di ba? Pa-Virgin Mary na ang dating. Parang, ‘Huh? Parang nakita ko na si Virgin Mary. Ang puti.’
“Kaya kita n’yo, hindi mo napapansin, paputi na ako nang paputi. Ina-achieve ko yung puti niya. Gusto ko nang laklakin yung mga glutathione! Lahat ng pagpapaputi. Kasi talagang na-mesmerize ako, ang ganda niya pala!”
( Photo credit to Google )