KNOWS n’yo ba na bibida rin sana noon si Megastar Sharon Cuneta sa isang version ng action-fantasy superhero movie na “Darna” pero hindi raw niya ito tinanggap?
Naibahagi ito ng premyadong aktres at singer sa “Iconic” concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez last weekend na ginanap sa Resort World Manila.
Napa-throwback kasi sina Ate Shawie at Ate Regs nang kantahin na nila ang kanilang classic songs habang iniisa-isa ang mga common experiences nila sa showbiz.
At isa na nga riyan ang pagganap nila sa karakter ng iconic Pinay superhero na si Darna. Taong 1986 nang lumipad si Mega as Darna habang noong 2003 naman si Regine.
Kuwento ng Songbird, “Meron pa tayong something in common, we both did Darna. Kasi mapapakita na naman natin ngayon si Darna pero kami po pareho kaming nag-Darna at parehong sa Captain Barbell.
“Ang Captain Barbell ko ay si Bong Revilla. Ang Tenteng ko si Ogie (Alcasid),” chika ni Regine.
Pahayag naman ni Mega, inalok siyang magbida sa “Darna” movie noong 20 years old pa lang siya matapos mag-cameo sa “Captain Barbell” nina Herbert Bautista at Edu Manzano.
“Umiikot-ikot ako. Wala pang masarap na harness nu’n sa shooting. Kaya ko ginawa yun sa Captain Barbell kasi dapat ang next movie ko full-length na Darna.
“Sabi ko sa kanila, ‘Hindi na po bale. Paiyakin niyo na lang ako kahit every scene. Drama na lang po, inyo na yung Darna.’ Kasi masakit hindi katulad ngayon na medyo madali na,” chika ni Shawie.
Pag-alala pa ng Megastar, nang gumanap siya bilang Darna, wala raw siyang isinubong bato, “Yung Darna ko walang bato, nilagay ako sa ibabaw ng Lazy Susan tapos inikot ikot akong ganyan.
“Alam niyo yung Lazy Susan? Kapag kumain kayo sa Chinese restaurant yun yung iniikot na may toyo, yun. Ipinatong ako ni direk Leroy (Salvador) du’n. ‘Tapos Iikot kita ha? Tapos balik kay Darna ka na,’ sabi niya. Hindi pa uso yung mga special effects, ginagawa na natin yun noon,” pagbabalik-tanaw ni Sharon.
Bukod kina Sharon at Regine, ang iba pang nag-Darna ay sina Rosa del Rosario, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Angel Locsin at Marian Rivera.
At very soon ay mapapanood na si Jane de Leon sa bagong “Darna” series sa ABS-CBN.
Samantala, muling binanggit ni Regine na bago man siya maging artista at singer ay talagang idol na niya si Mega.
“During the ‘80s and the ‘90s siyempre medyo nag-aartista na ako, iniidolo ko pa rin si Sharon Cuneta pero hindi ko siya kinakausap.
“But I have to tell you, I don’t think I would be who I am if it weren’t for you because the first song I ever learned by myself was your song ‘Mr. DJ’. It’s true.
“And because of who you are, I think yung pagkanta mo, yung galing mong umarte, nagko-concert, nagsasayaw, nagta-tangga, lahat na eh. May action pa ngayon. But I think more than that, iniidolo kita dahil sa iyong pagkatao. How loving you are.
“Ngayon napapatunayan ko yan more because you are so loving to me. Not only to me but my whole family and then yung lakas mo, hindi mo siguro masyadong nahahalata pero kahanga-hanga.
“You’ve gone through a lot pero nakikita ko yung lakas mo kahanga-hanga. So ramdam ko yung lakas mo ate. Fan talaga ako ni Sharon and ni Gabby. Napanuod ko halos lahat ng Gabby-Sharon movies in the movie house,” sey pa ni Regine kay Sharon.
https://bandera.inquirer.net/315103/jane-de-leon-handang-handa-nang-makipagbakbakan-kay-janella-salvador-sa-darna-magtutuos-na-kami
https://bandera.inquirer.net/299841/brenda-mage-kasama-sana-sa-darna-pero-pinili-ang-pbb-ako-si-valentina-pero-tinanggihan-ko-charot
https://bandera.inquirer.net/313927/jane-de-leon-biglang-naiyak-nang-isuot-ang-darna-costume-parang-doon-lang-nag-sink-in-sa-akin-na-this-is-it