SUPER “thankful and grateful” ang Kapamilya actress na si Lovi Poe na nabigyan siya ng chance na makilala at makasama ang yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.
Si Lovi ay anak ng asawa ni Susan Roces na si Da King Fernando Poe, Jr. sa dating aktres na si Rowena Moran ngunit hindi naging hadlang ang sitwasyon na ito para magkaroon ng koneksyon ang dalawang aktres.
Ayon kay Lovi, isang malaking kawalan sa entertainment industry ang pagkawala ng award-winning veteran actress na itinuturing nang haligi sa mundo ng showbiz.
“We did lose a gem sa industriya na ito and she’s our queen. The Queen of the Philippine Movies.
“We just have to be grateful that we were given a chance to witness her movies and the kind of person that she is.
“At ako I am just very glad na nabigyan ako ng opportunity to spend some time with her because she’s an amazing woman talaga. Queen-like talaga,” pahayag ni Lovi patungkol kay Susan Roces sa panayam ng “Magandang Buhay” kamakalawa.
Kuwento pa ni Lovi, nasa taping siya ng bagong Kapamilya series na “Flower Evil” nang sumakabilang-buhay ang veteran actress.
“Nagpapasalamat nga ako sa ‘Flower of Evil’ production because naka-lock in ako that time and they gave me the chance to exit the bubble for a bit.
“Actually the same day that my dog passed away was the same day ‘yung kay Tita Susan, so I was able to say my goodbye din,” kuwento pa ng aktres.
“I think it was a very sad time but I go to see my Ate Grace (Poe) and the whole family and it seems like, they are very positive in such a way that they know that someone is guiding them from up above. So yeah it’s nice to look at it that way,” aniya pa.
Pumanaw si Susan Roces noong May 20 sa edad na 80.
* * *
Kaya mo pa bang mahalin ang asawa mo kapag nalaman mong baka isa siyang mamamatay-tao?
Masusubukan ang pagmamahal at prinsipyo nina Lovi Poe at Piolo Pascual sa Philippine adaptation ng “Flower of Evil,” isang sikat na South Korean thriller drama. Isa itong Viu original adaptation na mapapanood sa Viu ngayong Hunyo 23 at 24, at sa Kapamilya Channel at A2Z sa Hunyo 25 at 26.
Sinusundan ng kwento ang buhay ng mag-asawang Jacob at Iris (Piolo at Lovi). Umiikot ang buhay nila sa anak nilang si Luna (Sienna Stevens), habang si Jacob ay isang metal craftsman at si Iris naman ay isang maprinsipyong police detective.
Walang kamalay-kamalay si Iris na may itinatago pa lang masalimuot na nakaraan si Jacob. Ilang taon na kasing inililihim ni Jacob ang kanyang totoong pagkatao dahil siya talaga ang misteryosong si Daniel Villareal.
Si Daniel ay may antisocial personality disorder at 17 taon nang wanted ng pulis dahil sa pagpatay sa isang barangay captain. Siya rin ang nag-iisang anak ni Abel (Gardo Versoza), isang kilalang serial killer na nag-suicide.
Mayayanig ang mundo nila nang mapunta kay Iris ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas at maaaring konektado kay Daniel. Gagawin ni Iris ang lahat upang maresolba ang kaso, habang hindi niya alam na may posibilidad na isang mamamatay-tao ang pinakamamahal niyang asawa.
Anong gagawin ni Iris kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ni Jacob? Ano-ano pang mga sikreto ang itinatago ni Jacob?
Ito ang unang pagtatambal nina Piolo at Lovi, at ito rin ang unang Kapamilya drama series ni Lovi. Kasama rin sa cast sina JC de Vera, Agot Isidro, Denise Laurel, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joross Gamboa, Joko Diaz, at Edu Manzano, at idinerehe ito nina Darnel Villaflor at Richard Arellano.
Ang “Flower of Evil” ang kauna-unahang Viu original adaptation mula sa Pilipinas at mapapanood ito sa 16 markets – Philippines, Hong Kong, Singapore, Thailand, United Arab Emirates, Bahrain, Egypt, Indonesia, Jordan, Kuwait, Malaysia, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Myanmar, at South Africa – 48 oras bago ipalabas sa telebisyon sa Pilipinas.
https://bandera.inquirer.net/314195/puntod-ni-susan-roces-sa-manila-north-cemetery-tinapos-ng-3-araw-kabaong-itatabi-kay-fpj
https://bandera.inquirer.net/314169/lovi-poe-biglang-na-conscious-kay-piolo-bakit-kaya
https://bandera.inquirer.net/314062/payo-ni-susan-kay-coco-hindi-importante-ang-pagingles-ang-mahalaga-ay-marunong-kang-humarap-sa-tao-na-may-dignidad