BAKIT nga ba hindi na bumalik sa mundo ng politika ang asawa ni Korina Sanchez na si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas?
Hanggang ngayon kasi ay marami ang nagtatanong kung ano talaga ang dahilan at tila nagdesisyon na ang dating public official na iwan nang tuluyan ang politics.
Last Sunday, June 19, nag-post ng Father’s Day video ang beteranang broadcast journalist na si Korina sa Instagram kung saan mapapanood si Mar kasama ang kambal nilang anak na sina Pepe at Pilar.
Sa caption ng kanyang IG post, nabanggit niya na until now ay may mga nagtatanong pa rin sa kanya kung bakit hindi na tumayakbo ang kanyang mister sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
Sabi ni Korina, never na niyang inusisa ang asawa about politics dahil alam na naman daw niya kung ano ang sagot at lagi rin niya itong pinaalalahanan na marami rin siyang nagawa para sa Pilipinas sa loob ng 30 years niya bilang public official.
Ani Korina sa kanyang Instagram post, “A lot of people ask about why Mar isn’t in politics now.
“I don’t bother asking him because I know. Although I do remind him that he has done SO much for this country out of the best years of his life as it is. All 30 or so years in office,” aniya pa.
Naniniwala rin daw siya na bukod sa paglilingkod sa bayan ng halos 3 dekada sa public service, hindi rin matatawaran at never mabibili ng kahit magkano ang pagiging ama niya. Bukod sa kanilang twins, may anak din si Mar sa dating beauty queen na si Maricar Zaldarriaga — si Paolo Roxas.
Pagpapatuloy ni Korina, “So now he is again a father—to twin 3 year old firecrackers Pepe en Pilar. I’m convinced.
“Out of all that he has contributed the best way he knows how for the good of this country and its people, his children Paolo, Pepe en Pilar are yet his most priceless legacy for this planet.
“And this is now his happiest and most important position to date. (green heart, clinking glasses, face with heart-shaped eyes emojis),” mensahe pa ng news anchor gamit ang mga hashtag na #HappyFathersDay, #BestDad at #FathersDay.”
Matatandaan na noong October, 2020, ibinandera ni Korina na retired na si Mar sa politika matapos mabigo sa pagtakbo sa tatlong nagdaang eleksyon.
Taong 2010 nang tumakbo siyang vice president at pumangalawa lamang siya kay Makati Mayor Jejomar Binay. Sumunod dito ang pagkandidato niyang pangulo noong 2016 elections pero tinalo naman siya ni President Rodrigo Duterte.
At noong 2019 elections, tumakbo naman siyang senador ngunit hindi siya nakapasok sa Magic 12.
https://bandera.inquirer.net/305767/korina-kinarir-ang-superhero-themed-birthday-party-nina-pepe-pilar-puro-matatanda-ang-guest-list
https://bandera.inquirer.net/286751/korina-sa-tanong-kung-tatakbo-uli-sa-2022-si-mar-parang-wala-na-talaga-siyang-plano
https://bandera.inquirer.net/302596/swimsuit-photo-ni-korina-na-may-caption-tungkol-sa-covid-binatikos-wala-sa-lugar-sobrang-off