PAULO AVELINO naglasing sa sobrang selos kina LJ REYES at JC de VERA

Ayaw nang magkomento pa ni LJ Reyes sa balitang naglasing diumano ang ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino nang dahil sa kanila ni JC de Vera.

Nangyari raw ang insidente sa naganap na Star Magic Ball kamakailan, ayon sa chika, masama raw ang loob ng Kapamilya leading man  dahil nalaman niyang magdyowa na raw sina LJ at JC na isa na ring Kapamilya ngayon.

Sey ni LJ na mapapanood uli bilang kontrabida sa GMA 7 series na Prinsesa Ng Buhay Ko nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, wala siyang masasabi tungkol sa issue dahil hindi siya masyadong aware sa mga nangyayari sa buhay ni Paulo, at isa pa, wala siyang impormasyon kung totoong naglasing sa Star Magic Ball ang aktor.

May mga balita na mahal pa rin daw ni Paulo si LJ, pero kailangan na raw talagang maghiwalay ng dalawa. Talaga raw naapektuhan si Paulo sa break-up nila ng Kapuso actress.

Pero totoo kaya ang chika na balak pagsamahin ng ABS management sina Paulo at JC sa isang teleserye na may tema rin ng kabadingan?

( Photo credit to Google )

Read more...