Kim Chiu, Xian Lim muling magsasama sa pelikula, KimXi fans abangers na

Xian Lim at kim Chiu

NGAYON pa lang ay abangers na ang mga loyal supporters ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa bagong proyekto ng kanilang idolo.

Kumpirmado na kasing muling magsasama sa isang pelikula ang reel and real life lovers na magsisilbi ngang reunion project nila makalipas ang ilang taon.

Kahapon, June 20, mismong si Xian ang nagbalita sa kanyang social media followers na tuloy na tuloy na ang bagong project nila ni Kim matapos maghintay nang halos walong taon.

Nag-share ang Kapuso actor sa Instagram ng ilang photos nila ni Kim na kuha sa kanilang pictorial kamakailan.

“I missed sharing the big screen with you,” ani Xian sa caption kung saan naka-tag nga ang kanyang girlfriend.


Ni-repost naman ng Kapamilya actress-TV host sa kanyang IG Stories ang mga litrato nila ni Xian na may mensaheng, “It’s been a while.”

Pinasalamatan din ni Kim ang Viva Films sa kanyang IG post na siyang magpo-produce ng kanilang reunion movie. Ngunit maliban dito, wala nang ibinahaging karagdagang detalye ang magdyowa about their new project.

Kung matatandaan, huling nagsama sina Kim at Xian sa romantic comedy movie na “Past Tense” na ipinalabas noong 2014 kung saan nakasama nila ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Ang huli namang teleserye na ginawa nila sa ABS-CBN ay ang “Love Thy Woman” na umere noong 2020.
Nang lumipat si Xian sa GMA 7 ilang buwan na ang nakararaan ay talagang naapektuhan ang mga KimXi fans dahil alam nilang matatagalan na naman bago sila makagawa uli ng teleserye together.

Sa isang panayam kay Xian sinabi naman nitong suportado ni Kim ang paglipat niya ng TV network, “Kami po kasi ni Kim, we’re really supportive po sa mga proyekto na ginagawa namin, ma pelikula po yan, mapateleserye, ma pa working with other actors, and in this case, network.”

Nagbitiw din siya ng pangako sa mga fans nila ng aktres, “Yung tandem po na KimXi, it will always be there naman po.”

https://bandera.inquirer.net/291949/xian-sinigurong-hindi-mabubuwag-ang-kimxi-loveteam-posible-nga-bang-magkasama-sa-gma
https://bandera.inquirer.net/302034/wish-ng-kimxi-fans-sa-2022-magpakasal-na-sina-kim-at-xian-nadine-bugbog-pa-rin-sa-bashers
https://bandera.inquirer.net/280273/banta-ni-kris-sa-pasabog-video-names-will-be-named-i-refuse-to-be-a-coward

Read more...