Tom Rodriguez hinamong pangalanan ang nanloko sa kanya matapos ma-scam ng P24-M; Carla meron pa raw pasabog

Carla Abellana at Tom Rodriguez

KANYA-KANYANG hula ang mga netizens kung sino nga ba ang taong nanloko sa Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang sumabak siya sa pagnenegosyo.

Bukod sa chika na halos maubos daw ang kanyang savings sa pang-i-scam ng isa niyang kaibigan ay may balita rin na nasaid ang ipon ni Tom nang subukan niyang sumabak sa politika nitong nagdaang eleksyon.

Ilang supporters ng Kapuso star at dating asawa ng aktres at TV host na si Carla Abellana ang nag-suggest na pangalanan na ni Tom kung sino ang taong nanggoyo sa kanya para magkaalaaman na.

Isa raw kasi ito sa mga dahilan kung bakit tuluyan nang nawasak ang pagsasama nila ni Carla bilang mag-asawa hanggang sa nauwi na nga sa kanilang pagpapa-divorce.

Totoo nga kaya ang chika na tumataginting na P24 million ang nawala kay Tom nang dahil sa panloloko umano sa kanya ng kaibigan na nangakong kikita sila nang malaki?

May lumabas ding chika na ang perang in-invest daw ng aktor sa nasabing negosyo ay ang gagamitin sana ng nagkahiwalay na mag-asawa sa ipatatayo nilang resthouse.

Wala pang sagot si Carla kung totoo ngang isa sa rason ng kanilang breakup ay ang nawalang milyones sa savings ni Tom at kung may kabahagi siya rito bilang asawa.

Sa inilabas na official statement ng aktor sinabi nitong, “I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly fair.


“I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility,” dagdag ni Tom kasabay ng pagsasabing, “But it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.”

Bahagi pa ng pahayag ng aktor sa paghihiwalay nila ng dating asawa, “Despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage. I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her.”

Nasa Amerika pa rin ngayon si Tom kasama ang kanyang pamilya. At ang balita, kasalukuyan umano siyang sumasailalim sa therapy para sa kanyang mental health.

Una nang naglabas ng kanyang saloobin si Carla tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom, aniya, “Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid,” she answered.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo, at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko,” aniya pa.

Pero gaano katotoo na may isa pang pasabog na rebelasyon si Carla tungkol kay Tom? Ano nga kaya ito? Yan ang bagong aabangan ng mga “Marites” ng bayan.

https://bandera.inquirer.net/315280/tom-rodriguez-may-babala-sa-netizens-baka-magulat-kayo-kapag-lumabas-na-ang-lahat-lahat

https://bandera.inquirer.net/316180/gma-naglabas-ng-pahayag-ukol-sa-hiwalayang-tom-carla
https://bandera.inquirer.net/315909/tom-rodriguez-ginigipit-nga-ba-ng-kampo-ni-carla-abellana

Read more...