PANSAMANTALA munang kinalimutan ng mga Binibining Pilipinas 2022 candidates ang kanilang paghahanda sa grand coronation night ng pageant para sa isang makabuluhang charity event.
Aliw na aliw ang 40 kandidata ng national pageant nang mabigyan sila ng chance na makipag-bonding sa mga ulilang bata sa isang bagong amusement center sa Quezon City last Thursday.
Kitang-kita sa mga litrato sa social media accounts ng Binibining Pilipinas ang pakikipaglaro ng mga kandidata sa ilang kapuspalad na mga kabataan na nasa pagkalinga ng Chancery ng Diocese ng Novaliches sa Fiesta Park ng Araneta City, Cubao.
In fairness, tila nagbalik din sa pagkabata ang mga kandidata nang makasama at makasalamuha ang mga ulilang bata kasabay nga ng pakikiisa sa pangunahing adboksiya ng Binibining Pilipinas Charities — ang matulungan ay ang mga kabataan mula sa underprivileged communities.
Ilang litrato ang nakita namin sa socmed kung saan makikitang enjoy na enjoy ang mga bata sa mga rides at iba pang atraksyon kasama ang 40 aspiring beauty queens.
Present din sa nasabing charity event si Fr. Antonio Labiao Jr., Vicar General ng Pastoral Affairs ng Diocese ng Novaliches at ang kanilang volunteers.
“We’re happy to give a fun and exciting experience to the children from the Diocese of Novaliches, especially with the Binibining Pilipinas candidates joining them,” ayon kay Marjorie Go, Assistant Vice President for Marketing ng Araneta City.
“This is an opportunity for the ladies to take a break from their jam-packed schedules, have time to reconnect with themselves, and give inspiration to our kids today,” aniya pa.
Nakatakdang maganap ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas sa darating na July.
https://bandera.inquirer.net/312276/miss-pasay-city-celeste-cortesi-waging-miss-universe-philippines-2022
https://bandera.inquirer.net/280133/beauty-queen-tuloy-sa-pagtulong-kahit-may-pandemya
https://bandera.inquirer.net/315492/beatrice-gomez-naghahanda-na-para-sa-pagpasok-sa-showbiz-tutuparin-din-ang-pangarap-na-masters-degree