PARA sa aktres at celebrity mommy na si Ryza Cenon, maituturing na isang uri ng bullying ang paggawa ng mga pranks, lalo na kapag nagdulot ito ng hindi maganda sa mga biktima.
Ito ang isa sa mga tinalakay sa suspense-horror movie na “Rooftop” mula sa Viva Films na naging bahagi ng horror filmfest sa SM Cinemas at streaming na ngayon sa Vivamax.
Ayon kay Ryza, hindi rin niya makakalimutan ang naging karanasan niya sa shooting ng nasabing movie kasama sina Marco Gumabao, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach, Rhen Escano, Epy Quizon at Allan Paule.
“I am happy to work with this cast kasi swak na swak ‘yung characters nila sa personality nila. Sayang lang that I didn’t get to bond with them much, kasi ang bigat nung character ko,” simulang kuwento ng aktres about her role sa movie.
“As the leader of our group, ako ‘yung tinatakot nang husto ng multo and I have to really focus well on my role. The role was given to me just a few days before the start of the shoot, kasi hindi ako original choice as Ellie, so hindi ko pa lubusang napag-aralan ang role ko kundi doon na lang sa set mismo,” pag-amin ni Ryza.
May nagawa na ring horror movie noon si Ryza kung saan gumanap siya bilang “manananggal”, “But ako ang nananakot doon. Now, ako ang tinatakot. Pero nakatulong sa shoot nitong ‘Rooftop’ ‘yung training ko sa TV na biglaang may taping or biglaang may revision, mabilisang preparasyon lang.
“Dito, pinag-aralan kong mabuti ang role ko para ma-convince ko talaga ang viewers na natatakot talaga ‘yung character ko sa mga eksenang minumulto na ako ni Kuya Epy Quizon. I realized na mas madaling manakot kaysa ikaw ang matakot,” lahad pa niya.
Sa “Rooftop”, si Epy ang naging biktima ng prank na namatay matapos mahulog sa building ng school kung saan nagtatrabaho siya bilang isang janitor.
Kaya naman natanong si Ryza kung naranasan na niya ang gumawa ng prank, “No, I’ve never been involved in such a prank, simply because I don’t approve of such pranks, lalo na ‘yung may masasaktan. Kaya nga may lesson din itong movie na ito, e.
“Kasi it’s also about bullying kaya ang mga magbabarkada, iwasan ang pambu-bully gaya ng ginawa ng barkada namin kay Kuya Epy, which ended in tragedy,” sabi pa ng aktres.
Puring-puri rin ni Ryza ang direktor nila sa “Rooftop” na si Yam Laranas, “Actually, he’s amazing, kasi hindi lang siya ang director ng movie, he is also the screenwriter and the director of photography, so nakakabilib siya na kaya niya lahat gawin yun. Kung titingnan mo, nakakapagod, pero obvious na siya, nage-enjoy lang sa ginagawa niya.”
Naikuwento rin ni Ryza ang tungkol sa kanyang bukas na bukas na third eye kaya naman talagang ramdam na ramdam niya ang ilang ligaw na ispiritu sa abandonadong Quezon Institute kung saan sila nag-shoot.
“When I feel something creepy on the set, doon na lang ako humuhugot para mairehistro ko on cam na mukha talaga akong takot na takot.
“Kasi sa scenes na tinatakot kami ng multo, wala naman talaga siya, but we have to pretend na nandun siya and we are so frightened,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/316238/ryza-cenon-araw-araw-natatakot-bilang-ina-ni-night-may-time-nahulog-siya-sa-kama-umiiyak-din-ako-tapos-sorry-ako-nang-sorry-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/311545/ryza-may-third-eye-ginugulo-ng-mga-multo-sumigaw-talaga-ko-pwede-ba-magpatulog-kayo-pagod-na-pagod-na-ko
https://bandera.inquirer.net/313883/ryza-cenon-sa-pagiging-ina-matutulala-ka-na-lang-sa-pagod