Sue Ramirez big blessing kung ituring si Jodi: I have always and will forever look up to you, my Ate!

Sue Ramirez at Jodi Sta. Maria (mula sa @sueannadoodles IG)

“BIG blessing” kung ituring ni Sue Ramirez ang makatrabaho at maging espesyal na kaibigan si Jodi Sta. Maria.

Kung mortal silang magkaaway sa Kapamilya family drama na “The Broken Marriage Vow,” sa totoong buhay ay parang magkapatid na raw ang turingan nila sa isa’t isa.

Sa 40th birthday ni Jodi last Thursday, June 16, hindi nakalimot ni Sue na batiin ang kanyang “ate” kung saan pinuri nga niya ito nang bonggang-bongga.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sue ng litrato nila ni Jodi kalakip ang madamdaming birthday message niya sa award-winning Kapamilya actress.

“One of life’s biggest blessings was that I was given the great honor to work with you. You may not know, Ate but you have influenced my life in so many ways,” pahayag ni Sue.

Sa ilang buwang pagsasama nila sa lock-in taping ng “The Broken Marriage Vow” ay napakarami raw niyang natutunan kay Jodi kahit sa pamamagitan lang ng pag-oobserba niya rito.

“I just had to observe how amazing you were. At work, to your family and friends, and how you take care of yourself and the people around you.

“No one ever does it like you, Ate. Always graceful. Always sincere. Always kind,” dagdag ni Sue.
Patuloy pa niya, “I have always and will forever look up to you. I love you, my Ate! Happiest birthday to you! I wish you a happy mind and heart today and every day.”

Sagot naman ni Jodi sa birthday greeting sa kanya ni Sue, “Awwww SueAnnaDoodleDoo!!! Thank you sooooo much. I love you!”

Naikuwento naman ni Sue kamakailan na isa siyang certified fan ni Jodi at una niyang nakita ang aktres noong 11 years old pa lang siya.

“Kuwento ko po ang backstory kung paano ko nakilala si Ate Jodi na first time kong nakita at hindi pa po ako artista.

“I’m 11 years old tapos she was taping ‘Tayong Dalawa’ (sabay tanong kay Jodi), ‘Tayong Dalawa’ po ba, ‘yung kina Gerald Anderson at Kim Chiu?’

“So, nagte-taping sila sa village namin sa Parañaque tapos sabi sa akin, ‘nandoon si Jodi Sta. Maria’, so, nag-bike talaga ako simula sa bahay namin hanggang sa set nila na medyo malapit lang tapos nanood ako ng taping nila.


“Tapos baby pa si Thirdy no’n lumapit ako sa kanya (Jodi) tapos piniktyuran ko sila hindi ako nagpa-picture. Piniktyuran ko lang talaga sila ni Thirdy,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.

“Alam mo ‘yung pag binabalikan ko ‘yung mga ganu’ng moments tapos ngayon ‘yung relationship namin ni ate Jodi, grabe sobrang hindi ko talaga ever in-imagine na ‘yung mga panahon na ‘yun that I will be working with her on this project (mangiyak-ngiyak na).

“Kaya ‘yun ‘yung binabalik-balikan ko palagi sa totoo lang sa tuwing nakakausap ko si ate Jodi hindi ko maalis talaga sa isip ko the first time that I saw her and kung paano niya ako tinanggap dito bilang katrabaho. It’s really a humbling experience,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/303416/sue-pinakakalma-ni-jodi-kapag-umiiyak-hindi-siya-nagagalit-palagi-lang-siyang-kalmado

https://bandera.inquirer.net/302895/sue-never-nag-inarte-sa-mga-love-scene-nila-ni-zanjoe-hindi-na-kami-nahirapan-dahil

https://bandera.inquirer.net/303623/sue-ramirez-handa-na-nga-bang-lumagay-sa-tahimik-kasama-ang-dyowa

Read more...