Vivamax bombshell Angelica Cervantes hindi kayang mag-frontal sa pelikula: Parang respeto ko na rin lang sa sarili ko

Angelica Cervantes, Quinn Carillo at Vance Larena

BIDANG-BIDA na rin ngayon ang isa sa mga baguhang sexy stars ng Vivamax na si Angelica Cervantes matapos gumanap ng supporting roles sa mga nakaraan niyang pelikula.

Napanood si Angelica sa tatlong Vivamax original movies, ang  “Silab”, “Shoot Shoot Di Kita Titigilan” at “Eva” kung saan nakita ang potensiyal niyang maging isa sa pambatong bombshell ng Viva Films.

At ngayon nga ay siya na ang lead star sa bagong obra ng award-winning director na si Joel Lamangan, ang sex drama na “Biyak” kasama sina Quinn Carillo, Vance Larena at Albie Casino.

Ayon kay Angelica, talagang na-shock siya nang matanggap ang offer ng Viva, “Siyempre, nagulat po ako when I was told magbibida raw ako.

“Sabi ko, totoo ba ito? Then, noong nagmi-meeting na sila, our producer, Mommy Len Carillo and si Direk Joel, nakatingin lang ako, di pa rin makapaniwala.

“But when I learned that Ate Quinn will play my sister, I got excited kasi close na kami since we both come from the same singing girl group, Bella Donnas, so it’s nice to be working together in one movie.

“But kinakabahan talaga ako kasi di ko alam kung ano ang mga ipapagawa nila sa akin. I’m just thankful na nagawa ko naman ang mga akala kong hindi ko kayang gawin,” pahayag ni Angelica sa nakaraang virtual mediacon ng “Biyak.”

Tungkol naman sa character niya sa movie, “I play Violet, a girl from a well to do family. Akala mo, masaya ang buhay niya kasi mayaman sila, but may lihim siyang itinatago. Ampon lang siya kasi pinamigay siya ng ina niya as a baby.

“Tapos, now, inaabuso siya ng kanyang foster dad, si Jim Pebanco. Para makatakas, nagpatulong ako sa boyfriend ko, si Vance Larena, to look for my biological mother at nakita naman namin, si Maureen Mauricio,” lahad ng dalaga.

Dito nga niya makikilala ang half sister niyang si Samantha (Quinn Carillo), “Sa pagtatagpo namin, we’ll get involved in each other’s lives. She’s a street smart girl na lumaki sa hirap at dating drug trafficker. But now, she works as a police asset working with the cops to help solve drug-related cases.”

Shookt din daw si Angelica nang kinunan na ang mga sex scenes niya sa movie, “Na-shock ako noong una kasi yung love scene namin ni Vance, kinunan sa labas.

“But maganda naman ang treatment ni direk. We trusted him fully at hindi naman bastos tingnan yung eksena. Maganda ang ilaw at movement ng camera,” sabi ng dalaga na wala rin daw limitations pagdating sa paghuhubad sa harap ng mga camera?

“No restrictions, kasi si Direk Joel, ingat na ingat siya and when you say hindi mo kaya, he respects it.  But as of now, I can’t do full frontal nudity. Just my top lang, not full body. Parang respeto ko na rin lang sa sarili ko.

“At saka hindi kasi ako comfortable sa body ko, kasi diretso lang siya, e,” aniya pa.


Kumusta naman katrabaho si Direk Joel? “I’ve worked with him before in ‘Silab’, pero one scene lang ako doon. Dati, intimidated ako sa kanya kasi respetado siya sa industry, but I’m now so thankful I got to work with him as I really learned so much from him, lalo na rito sa ‘Biyak’.”

At patungkol naman sa mga bashers na nagsasabing wala nang ginawa ang mga artista ng Vivamax kundi maghubad, “I don’t really care sa bashing as I don’t know the bashers personally and I don’t owe them an explanation.

“But sa messages nila, I appreciate it when they say maganda ang trabaho mo rito, kaya I really want to try more challenging dramatic roles sana,” diin ni Angelica.

https://bandera.inquirer.net/300253/angelica-sa-mga-babaeng-iniwan-mahalin-ang-sarili-at-dapat-alam-nyo-ang-mga-karapatan-nyo

https://bandera.inquirer.net/313691/hirit-ni-angelica-bago-nalamang-buntis-na-napakamaldita-ko-nagiging-halimaw-ako-iyon-na-pala-iyon
https://bandera.inquirer.net/305450/angelica-panganiban-ayaw-nang-maniwala-sa-kembak-kapag-may-history-ng-pambubudol-never-again

Read more...