Ella Cruz ayaw sumabak sa sexy movies ng Vivamax: Ay, ibang level yun! Nakakaloka, hindi ko kaya!

Ella Cruz

KERI ba ng aktres at dancer na si Ella Cruz ang magpaka-daring at magpaka-bombshell katulad ginagwa ng mga palabang sexy stars ng Vivamax?

Isa ito sa mga naitanong sa dalaga sa nakaraang online presscon ng bago niyang horror-suspense movie na “Rooftop” mula sa Viva Films.

Usung-uso kasi uli ngayon ang mga sexy movies lalo na sa Vivamax kung saan halos every week ay may napapanood na bagong pelikula na sandamakmak ang mga umaatikabong sex scenes at churvahan ng mga bida.

Kaya ang tanong kay Ella, payag ba siyang tumodo sa pagpapaseksi para mas dumami ang mga projects niya sa Vivamax.

Sagot ng aktres, “Ay ibang klase yung sexy films sa Vivamax ngayon, hindi ko kaya. Nakakaloka! Sa horror films na lang muna ako!”

Sa isang panayan kay Ella, payag naman daw siyang gumawa ng daring o sexy movie, “For as long as may reason para magpaka-daring. Kung walang reason, wag na lang.”

“Siyempre yung tanggap pa rin ni Mama at ni Papa at yung tanggap ko rin, kung kaya ko, kung handa na ba ako sa role na ito.

“Siyempre kailangan mo ring isipin na puwedeng ika-change ng career mo kung hindi mo na-handle ng tama, and kung alam mo sa sarili mo na magagampanan mo ng maganda,” aniya pa.

Samantala, inamin naman ni Ella na marami na siyang nagawang katatakutang projects tulad ng “Cry No Fear”, “Dark Room”, “Biyernes Santo”, “Shake Rattle & Roll”, “Dilim” at ang horror TV series na “Parang Normal Activitiy” pero hindi raw siya fan ng horror movies.

“I don’t watch them kasi madali akong matakot. That’s why I didn’t go sa premiere night ng ‘Rooftop’ sa SM Cinema. Kung manood man ako, I usually cover my eyes so I won’t see the scary scenes,” chika ni Ella.


Sa “Rooftop”, ginagampanan niya ang role ni Wave, isa sa mga estudyanteng nasangkot sa isang prank na ikinamatay ng school janitor na si Epy Quizon.

“Ako yung youngest sa grupo namin nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Rhen Escano, Marco Gallo and Andrew Muhlach. Ang challenge is first time ko sila lahat nakatrabaho, so I was thinking of our group chemistry.

“Magdye-jell ba kami and how we will react to each other sa ganitong film na lahat kami, mga bida. Buti na lang, we all got along fine easily kaya naging madali ang shoot.

“Pero mahihirap ang mga eksena ng katatakutan ha. Si Kuya Epy kasi, minumulto niya kaming lahat, isa-isa, to get even with us kasi lahat kami involved sa nangyaring krimen that we tried to cover up,” kuwento ni Ella.

Kumusta naman ang naging experience niya sa direktor nilang si Yam Laranas? “Nakakabilib kasi mabilis siyang mag-work kaya maaga lagi kami natatapos. Siya rin kasi ang sumulat ng script so planado niya bawat eksena and he helped us in building our characters.

“Nakakatakot talaga yung movie kasi sa shoot pa lang, kapag lumalabas si Kuya Epy as the multo na naka-prosthetic, luwa ang mata, disfigured ang mukha na parang zombie, natatakot na kami.

“Tapos may scene na bigla akong lumutang sa ere dahil sa multo. Abangan n’yo yun,” lahad pa ng dalaga.

Naikuwento rin ni Ella ang tungkol sa naging karanasan niya habang nagsu-shooting sa abandonadong  Quezon Institute na pinaniniwalang isang haunted building.

“Actually, second film ko yun na doon ginawa. Kasi yung ‘Edward’, where I won as Cinemalaya best supporting actress doon kinunan.

“I died in that movie at inilagay pa ako sa morgue. May energy ka talagang mapi-feel na naiiba. May presence, but I think harmless naman sila dahil hindi naman nila kami inaabala,” kuwento ni Ella.

https://bandera.inquirer.net/280251/ella-cruz-may-suot-na-proteksyon-para-hindi-saniban-ng-masamang-ispiritu

https://bandera.inquirer.net/287114/ella-cruz-nagpakatotoo-isa-siguro-ako-sa-unang-humusga-kay-direk-darryl

https://bandera.inquirer.net/286995/ella-sa-mga-bully-hindi-yan-maganda-mentally-physically-emotionally-sa-taong-bina-bash-nyo

Read more...