Xian sa pagpapakasal kay Kim: Nilalaro ko na lang yung sagot ko kung kailan, sabi ko siguro mga 60 years old, 70, 80

Kim Chiu at Xian Lim

“ITATAGO muna namin, then when we’re ready, we will announce it.”

Yan ang pangako ng Kapuso actor-director na si Xian Lim sa lahat ng mga loyal fans nila ni Kim Chiu patungkol sa isyu ng  pagpapakasal.

In fairness, makalipas ang ilang taong pagiging magkarelasyon pinatunayan ng celebrity couple sa madlang pipol na solid na solid pa rin ang kanilang pagsasama.

Kaya naman sa bawat showbiz gatherings at presscon na dinadaluhan nila ay hindi mawawala ang tanong kung kailan nga ba nila balak ni Kim na lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.

“The direct answer is I don’t see myself getting married soon. Ang daming nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?’ Yes, of course, I do. But marriage, I think ‘di siya minamadali,” ang pahayag ng Kapuso star sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas.”


Paliwanag pa ng binata, “I’m well aware sa mga nagtatanong. Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko na lang talaga yung sagot ko. Sometimes, I say siguro mga 60 years old, 70, 80. It’s because I just play around.”

Wala pa raw talaga sa priorities nila ni Kim sa ngayon ang pagpapakasal at magkaroon ng mga baby pero mariing sabi ni Xian, “We love each other so much and that’s what’s important.”

Dinenay din ng aktor ang tsismis na nagpa-secret marriage na sila ni Kim at naghihintay lamang sila ng tamang panahon para ibandera ito sa buong universe.

“When the time comes, maybe I don’t know, maybe itatago muna namin then when we’re ready, we will announce it just like our relationship noong nagsisimula kami,” pahayag ni Xian.

Dugtong pa niya, “Once it’s out there, ang daling puntiryahin, targetin, it’s so easy to take the happiness away. Ang daming elemento once you have it out there.”

“So I think dapat ilabas lang kapag ready ka na, parang bahay. Kapag solid na yung foundation ng bahay, hindi na ‘yan guguho eh, ‘di ba?”

https://bandera.inquirer.net/314521/daniel-nag-iipon-pa-para-sa-bonggang-kasal-nila-ni-kathryn-may-3-hanggang-5-taon-pa-para-maghanda
https://bandera.inquirer.net/313294/daniel-sa-pagpapakasal-kay-kathryn-ready-na-ako

https://bandera.inquirer.net/298878/bea-gomez-super-excited-nang-lumaban-sa-2021-miss-universe-im-ready-to-fight

Read more...