TULAD ng inaasahan, hindi lahat ay positibo ang naging pagtanggap sa pag-amin ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel na isa siyang proud member ng LGBTQIA+ community.
Maraming humanga sa katapangan at pagpapakatotoo ni Miel, kabilang na riyan ang kanyang pamilya at ilang celebrities pero may ilan pa ring nangnega at nam-bash sa kanya.
Siguradong alam din ng nakababatang kapatid nina KC Concepcion at Frankie Pangilinan na hindi lahat ay makaiintindi sa naging desisyon niyang mag-come out bilang lesbian kaya tanggap niya kung anuman ang sasabihin ng ibang tao.
Pero tila hindi rin nakapagpigil si Miel na sagutin ang ilang komento ng netizens na nagsabing sana raw ay “fake news” ang balita tungkol sa pag-amin niya about her gender identity.
Kahapon, June 15, sa pamamagitan ng Twitter, ipinost ni Frankie ang screenshot ng naging reply ni Miel sa nasabing netizen kasabay ng panawagan sa lahat ng mga taong ginawa nang pulutan sa social media ang kapatid.
Panawagan ni Frankie, “Pls give yellie some love today if u can! there are some homophobes in her inbox and mentions upset abt her pride post.”
Mababasa naman sa screenshot na ibinahagi ni Frankie ang naging sagot ni Miel sa netizen na nagsabing, “Bash me, honestly upon reading this, my heart breaks. (broken heart emoji). Sana fake news lang ito. But I commend you @mielpangilinan for being so brave to come this early.”
Ito naman ang bwelta ni Miel sa kanya, “This early?? Lmaoo (laughing my ass off obviously). I’m so sorry your heart is broken but unfortunately it’s true, I am queer.
“I’m so sorry you think that news like this is heartbreaking to you, but it isn’t to me. I am so sorry that the news of my coming out is so painful for your heart to bear,” pahayag pa ng anak ni Mega.
Dagdag pang mensahe ni Miel sa nasabing netizen, nakakainsulto raw ang naging reaksyon nito sa pag-amin niya bilang isang “queer.”
“The fact that you’re wishing that my COMING OUT is fake news is insanely offensive to me.
“No amount of your commendation of my bravery will cancel out the fact that you wish I wasn’t actually queer—which doesn’t change anything, anyway.
“Your approval whether I have it or not literally does not matter to me,” sey pa ni Miel.
Dagdag pang pahayag ng anak nina Sharon at Kiko, “I truly hope that you learn to be a more tolerant person and if you don’t you have no place in my comments section or in any of the communities I’m a part of.”
Ibinandera ni Miel sa buong universe ang tunay niyang kasarian nitong nagdaang Martes, June 14, kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month.
https://bandera.inquirer.net/316003/kc-frankie-proud-na-proud-sa-pag-come-out-ni-miel-pangilinan-bilang-queer
https://bandera.inquirer.net/315965/anak-nina-sharon-at-kiko-na-si-miel-umaming-proud-member-ng-lgbtq-community-yes-im-the-gay-cousin
https://bandera.inquirer.net/316006/sharon-sa-pag-come-out-ni-miel-im-proud-of-my-children-and-all-my-children-are-perfect