Bianca de Vera nag-iiyak nang ma-tow ang sasakyan: Sana pinatapos muna nilang ipa-rebond ‘yung buhok ko

Bianca de Vera

VIRAL na ngayon ang bagong TikTok video ng Kapamilya youngstar na si Bianca de Vera habang umiiyak sa loob ng kanyang sasakyan.

In fairness, ilang oras pa lang ang lumipas mula nang i-upload niya ito sa kanyang TikTok account ay nakakuha na agad ito ng mahigit apat na milyong views.

Sa nasabing video, umiiyak na ikinuwento ni Bianca (ang gumaganap na kapatid ni Kathryn Bernardo sa Kapamilya series na 2 Good 2 Be True) ang nakakalokang nangyari sa kanya kahapon ng umaga, June 14.

Ayon sa young actress, ikinagulat niya ang pagkaka-tow ng kanyang sasakyan dahil mali raw ang pagkaka-park nito.

Emosyonal na pahayag ni Bianca sa simulang bahagi ng video, “Hi, guys! So currently, as you can see, umaandar ‘yung kotse ko kahit hindi ako nagda-drive, kasi na-tow ‘yung kotse ko.”

Kasunod nito, ipinakita pa niya ang ang isang dokumentong (ticket) nagsasaad na meron siyang nagawang traffic violation.

“Ayan, guys. Violation daw kasi parang mali ‘yung pinagparkingan ko,” chika ng young actress.
Ngunit sa sumunod na bahagi ng video, mukhang hindi naman talaga ang pagkakahatak ng sasakyan ang iniiyakan ni Bianca kundi ang  hindi natapos na pagpapaayos ng buhok isang sa salon.

Umiiyak pa ring pagsusumbong ng batang aktres, “Sa akin lang, sana pinatapos nila ako ipa-rebond ‘yung buhok ko, ‘di ba? Hindi pantay ‘yung buhok ko, guys.


“Sabi ko kay kuya, ‘Kuya, puwede ba kahit five minutes lang, kailangan lang ipantay ni ate ‘yung buhok ko.’ Pero, guys, hindi siya pantay!” ang nakakaloka pang hirit ng dalaga.

Ito pa ang hirit ng Kapamilya young star sa inilagay niyang caption sa kaniyang TikTok video, “Fresh from the salon! Kaya ko pa ba today?”

Libu-libong comments na rin ang nakuha ng TikTok video ni Bianca at karamihan ay nagsabing hindi nila alam kung maaawa o matatawa sa mga hugot ng bagets.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng kanyang mga followers sa TikTok.

“Diko alam kung maaawa ako, maiisstress o matatawa. pero im sorry this happened to u grabe kakafrustrate nga to.”

“Kaloka talaga ang mga kabataan ngayon, ang liit liit na problema pinanalaki! Hindi lang natapos magpa rebond cry to death na. Nubayan!”

“Umiyak kasi may violation (ekis) Umiyak kasi hindi pantay yung rebond (tsek).”

“Ganyan talaga nga Gen Z at millennials, konting kibot iyak, malulungkot, made depress. Pero need natin silang intindihin dahil ganun talaga sila. #Bawal judgmental.!

“Ano ba dapat kong maging emosyon sa video na to huhuhu kaya mo yan beh.”

Makalipas ang ilang oras, nag-post uli si Bianca sa kanyang social media account at nagsabing, “Don’t worry guys, natatawa rin ako. ‘Wag na kayong mag-sorry.”

https://bandera.inquirer.net/290241/glaiza-may-gustong-iwan-nagpagupit-ng-buhok-para-mas-mabilis-maka-move-on

https://bandera.inquirer.net/309020/jc-de-vera-biglang-napaiyak-matapos-mag-renew-ng-kontrata-sa-abs-cbn-wow-answered-prayer

https://bandera.inquirer.net/283177/ai-ai-naglagas-ang-buhok-dahil-sa-stress-sa-us-planong-magpabakuna-kontra-covid-19

Read more...