HINDI pa naman daw napapagod at nagsasawa ang palabang Vivamax sexy star na si Angeli Khang sa paghuhubad at pakikipagchurvahan sa mga pelikulang pinagbibidahan niya.
Nakakuwentuhan namin kamakailan si Angeli at nasabi nga niya na nag-eenjoy at proud naman siya sa mga ginagawa niyang sexy films na ipinalalabas sa Vivamax.
In fairness, isa si Angeli sa mga bombshell ng Viva Entertainment na talagang nagsasampa ng pera sa kaban ng Viva dahil halos lahat ng pelikula niya ay pinapanood at kumikita sa number streaming app sa bansa.
Sa katunayan, noong nagkaroon ng motorcade ang mga sexy stars ng Viva s iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay talagang siya ang hinahanap ng mga tao, lalo na ng mga kalalakihang subscribers ng Vivamax.
“Yes, I was told na hinahanap ako sa caravan, pero nakaka-pressure din,” ang chika ni Angeli sa zoom presscon ng bago niyang movie, ang “Virgin Forest” na idinirek ni Brillante Mendoza.
Patuloy pa niya, “Kasi nahihiya ako, I don’t really know kung paano ako kikilos sa harap nila? Kakaway ba ako or what? Mahiyain kasi talaga ako.
“Sa premiere night lang, nahihiya ako na tinatawag nila ako, tapos ang daming nagpapa-picture.
“But I’m so delighted sa warm reception nila. Sobrang nakakatuwa, pero hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin kapag sinasabing sikat na ako,” pahayag pa ng dalaga.
Sa “Virgin Forest” siguradong magpipiyesta na naman ang male fans ni Angeli dahil sa mga pasabog na sex scenes na ginawa niya rito, kabilang na ang isang orgy scene.
“Victim ako ng human trafficking at ginawang prostitute against my will. My most memorable scene is the one with Markki Stroem na kinakawawa ako. Ni-rape kasi niya ako,” kuwento ni Angeli patungkol sa role niya sa pelikula.
May nag-react naman sa mediacon parang palagi na lang siyang biktima ng karahasan sa mga pelikulang ginagawa niya, “Yes, yun lagi ang role ko, e. Kinakawawa. Sa ‘Silip sa Apoy’, si Sid Lucero ang nambugbog sa akin. Sa ‘Pusoy’, si Baron Geisler.
“Ngayon naman si Markki. Bago namin ginawa ang eksena, bonding- bonding muna kami, para mas makilala namin ang isa’t isa. In fairness, naitawid naman namin yung rape scene,” sabi pa ni Angeli.
At sa tanong kung hindi ba siya napapagod at nagsasawa na puro paghuhubad at pakikipag-love scene ang ginagawa niya sa pelikula, “Well, I hope and pray na after 10 movies, sana matigil na ang sexy films for me.
“But I think ‘Virgin Forest’ is one of the best movies I made kasi malalim ang movie about illegal logging, environmental protection and the exploitation of women at maganda ang direction ni Direk Brillante Mendoza.
“Pero sana nga, dumating du’n sa point na ako na mismo ang hahanapin ng mga tao at hindi yung paghuhubad lang, para magkaroon naman ako ng wholesome movie where I can show my potential in acting,” sabi pa ni Angeli.
https://bandera.inquirer.net/314637/sid-lucero-nasaktan-sa-ginawang-orgy-scene-sa-virgin-forest-ni-brillante-mendoza
https://bandera.inquirer.net/313578/angeli-khang-tinawag-na-weird-version-ng-fifty-shades-of-grey-ang-pusoy-super-wild-ang-mga-sex-scenes-dito
https://bandera.inquirer.net/298056/angeli-khang-may-hamon-kay-xian-gaza-hindi-ako-marites-pero