KZ Tandingan wala pang planong magka-baby; may mga panahong matagal na nawawalay sa asawa

TJ Monterde at KZ Tandingan

MUKHANG wala pa rin sa top priorities ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan at ng asawa niyang musician din na si TJ Monterde ang magkaroon ng baby.

Hanggang ngayon kasi ay super busy pa rin ang singer-songwriter sa kanyang showbiz career pati na rin si TJ na bumobongga na uli ang pagiging musikero ngayong medyo maluwag na ang mga health protocols.

Nakachikahan namin si KZ at ng iba pang members ng entertainment media last Sunday sa grand launch ng reality talent search na “Top Class: Rise To P-Pop Stardom” kung saan isa siya sa magiging mentor ng 30 male aspiring P-pop idol.

Kuwento ng award-winning singer sa sobrang kabisihan nila sa kanilang respective career ay halos hindi na sila nagkikitang mag-asawa.

“Actually yun nga, siguro for the past… siguro magwa-one month na, na I don’t get to spend as much time, as I want to, sa asawa ko.

“But I think ang laking factor na siguro po ay we are in the same industry, na alam niya kung ano ang hinihingi ng industriya. Ganu’n din naman po ako sa kanya.

“Like this year, I did not spend my birthday with him, because meron siyang gig. Nalulungkot ako siyempre, kasi asawa ko yon, hindi mo kasama on your birthday,” malungkot na pagbabahagi ni KZ.

“But we both understand, na may mga araw talagang mga ganu’n. We just always make sure na whenever we get the time, we make sure na it’s special, we make sure na kapag magkasama kami, kahit one hour lang yan, it’s quality time talaga,” lahad pa ng premyadong singer.


Napakaswerte nga raw niya sa kanyang mister dahil naiintindihan nito ang kanyang sitwasyon at talagang gumagawa rin siya ng paraan para makabawi kay mister bilang misis.

Samantala, kung noon ay siya ang mine-mentor ng mga bigating artists sa local music industry, ngayon ay siya naman ang magbabahagi ng mga kaalaman niya sa mga aspiring young singers.

At yan nga ay mangyayari sa “Top Class: Rise To P-Pop Stardom” kung saan makakasama rin niya bilang mentor sina Brian Puspos para sa dance, Shanti Dope para sa rap habang si KZ naman ay sa singing.

Ano ang magiging style niya bilang mentor? “Hindi naman sa sobrang strict, at hindi rin maluwag. Dapat balance lang ako.

“Kasi if I become very strict, baka instead na matuto sila, they might hate the craft pa, di ba? Na parang ayaw na nilang pumasok, dahil masyadong strict at bawal silang magkamali.

“Dapat safe space pa rin for everybody ang class room, na kaya nga sila pumapasok para matuto, di ba? Kaya nga siya nagpapa-mentor para matuto,” pahayag ni KZ.

Ito naman ang message niya sa 30 trainees na sasabak sa matitinding challenges ng “Top Clasa”, “Palagi kong sinasabi sa kanila, at the end of every session, ‘if you fail to prepare, you prepare to fail.’

“So yun ang talagang sinasabi ko, na kailangan talaga na you have to put in the work, kasi kung hindi mo trinabahoyon, huwag kang magi-expect ng magandang output. Hindi mo pwedeng iasa sa tsamba ang output.

“Excellence doesn’t happen by accident. Kailangan mong pagtrabahuan ‘yon,” diin ni KZ.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang magsisilbing host ng nasabing reality talent search with Albie Casino and Yukii Takahashi as co-hosts.

Mapapanood na ang “Top Class: Rise to P-Pop Stardom” simula sa June 18 sa Kumu, TV5, at mula sa pinagsanib na pwersa ng Cignal Entertainment at Cornerstone Entertainment.

https://bandera.inquirer.net/290813/bakit-ayaw-pang-magkaroon-ng-baby-nina-kz-tandingan-at-tj-monterde

https://bandera.inquirer.net/295989/kz-tandingan-excited-sa-1st-international-single-its-something-that-i-will-remember-for-the-rest-of-my-life

https://bandera.inquirer.net/309543/kz-tandingan-super-lucky-kay-tj-monterde-may-asawa-na-may-driver-pa-minsan-naaawa-na-rin-ako-sa-kanya-kasi

Read more...