KNOWS n’yo ba na naging biktima rin ng pambu-bully ang Kapuso actor-director na si Xian Lim noong estudyante pa lamang siya?
Tulad ng ibang kabataan, lalo na yung mga tinatawag na “introvert”, hindi rin nakaligtas ang boyfriend ni Kim Chiu sa panunukso at pananakit ng kanyang mga kaklase.
Kuwento ni Xian, naging mahirap sa kanya ang makibagay sa mga classmates niya noong naninirahan pa sila sa Amerika at magpalipat-lipat ng school doon.
“Maybe I just didn’t fit in, ‘yung hulma ng mga bata, and I had a really strong accent when we moved in middle school,” pahayag ng binata sa isang episode ng Kapuso podcast na “Updated with Nelson Canlas.”
Pag-alala pa ni Xian, “There’s definitely nothing wrong with my hairstyle or my appearance. I was overweight and people were, ‘yun nga, ikaw ‘yung nakikita because you didn’t fit the mold.”
Pag-amin pa ng aktor, napipilitan pa siyang kumain sa CR o bathroom ng kanilang eskwelahan para makaiwas sa mga nambu-bully sa kanya.
May mga pagkakataon din daw na ninanakawan siya ng pera ng kanyang mga kaklase, “And kids would beat me up.”
Itinuturing ng aktor na “most confusing and terrifying stage” ang kanyang kabataan na ang tangi lamang niyang gustong mangyari ay mag-fit in sa kanyang paligid.
“I think, it’s the most terrifying stage for me. Dahil you don’t know pa kung saan mo ilalagay ‘yung sarili mo, you’re kinda confused, all these things are happening to your body. Socially hindi mo alam sino ka ba talaga.
“Fitting in was the whole world to me, parang ganoon. Gusto kong pumasok, I wanted to gain friends, I wanted to be accepted or even my dream was even to be one of the popular kids. But that wasn’t…hindi ‘yun ang hulma ko, e,” pagbabalik-tanaw pa ni Xian.
Sabi pa ng binata, ikinukuwento lamang niya ang naging karanasan niya noon para ipaalam sa mga kabataan ngayon na nagnanais ding mag-fit sa iba’t ibang grupo na nakakasalamuha nila.
“I want the kids, ‘yung mga misfits katulad ko to know that it’s really okay. There’s nothing wrong with being a misfit. There’s nothing wrong with being the kid who doesn’t talk.
“‘Yung alam mo ‘yon ‘yong gusto lang to be in the corner, walang mga kaibigan, it’s okay,” paliwanag ni Xian.
“Kasi ako, I was very pushy. Gusto kong mag-fit in! But you don’t have to fit in di ba? If you just, easier said than done, pero if you’re just yourself, you act like yourself, the right people will come in, you don’t have to chase other people. You’ll find your place,” paalala pa ng Kapuso actor.
https://bandera.inquirer.net/312825/xian-lim-hindi-pa-handang-maging-tatay-spiritually-i-think-i-need-a-proper-mindset-for-it
https://bandera.inquirer.net/291998/xian-alam-ang-mga-hinanakit-at-sama-ng-loob-ni-kim-umaming-kinakabahan-kay-jennylyn
https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya