Ice Seguerra pinag-iipunan ang pagpapatanggal ng dibdib; saludo sa katapangan ni Jake Zyrus

Jake Zyrus, Liza Dino at Ice Seguerra

MULING na-extend ng tatlong taon bilang chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines o FDCP si Liza Dino.

Kaya nang makapanayam namin siya kamakailan ay tila nagdadalawang-isip na ang opisyal ng ahensiya at nabanggit niyang magkukuwarenta’y uno na siya at challenge na sa kanya ang pagbalanse ng oras para sa pamilya at trabaho.

Hindi naman nabanggit ni Ms. Liza kung napag-usapan nila ito ng asawang si Ice Seguerra kaya sa ginanap na grand media launch ng PelikuLAYA International LGBTQIA+ Film Festival ay tsinika ng ilang taga-media ang huli tungkol dito.

Say ni Ice, “Hindi natin alam, but right now that’s on hold. Sobrang daming ginagawa din, ang daming plans and everything. Let’s see, malay mo magulat na lang kayo.”

Tanda namin sa unang face to face mediacon ni FDCP Chair Liza na ginanap early this year ay hiningan siya ng komento tungkol sa pagpapa-surgery ni Jake Zyrus sa dibdib na inamin namang plano rin itong gawin ni Ice.

Kaya natanong din ang mang-aawit tungkol dito sa katatapos na PelikuLAYA International LGBTQIA+ Film Festival event.

“Of course, we have plans to do that, nag-iipon lang. It’s not easy to face it, especially ang mga Filipino ang daming sinasabi. I think she’s brave,” kaswal na sabi ng partner ni Ms. Dino.


Sa kasagsagan ng pandemya noong 2019 ay dumanas ng depresyon si Ice at naikuwento rin ito ni Ms l. Liza dahil sa kawalan din ng shows sa entertainment industry kaya talagang hindi niya pinabayaan ang asawa

Aniya, “I had it before pa. Yes, back in 2004 pa nagpupunta na ako sa psych. I’m better. When you have depression, you just enjoy the good days kasi you’ll never know when it will (happen again). Right now, so far, I have a lot of good days, actually good months.

“I don’t know what’s gonna happen tomorrow, but when you learn to accept it and embrace that you have it, mas matututo ka to live with it by now,” sabi ni Ice.

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ni Ice sa asawang dahil lagi lang itong nasa tabi niya, “Sobra! Siguro if it’s not for her, I will still be in that slump. Talagang grabe ang support niya sa akin.”

Liza may hugot sa 9th ‘jowanniversary’ nila ni Ice: You personify what FOREVER means to me

Sharon niregaluhan ng bagong ‘baby’ si Ice Seguerra, nakatanggap din ng puppy mula sa netizen

Liza Dino sa viral ‘dibdib’ photo ni Jake Zyrus: Kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, suportahan natin siya

Read more...