MAS masipag, mas dedicated at mas mature na ngayon ang pananaw ni Kylie Padilla sa buhay, lalo na pagdating sa usaping lovelife at pakikipagrelasyon.
Bilang single mother, alam ng Kapuso actress na hindi magiging madali ang kanyang journey, lalo pa’t lumalaki na rin ang dalawa niyang mga anak kay Aljur Abrenica — sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Ngunit para kay Kylie, mas may peace of mind na siya ngayon matapos dumaan sa mga pagsubok, kabilang na riyan ang pagkasira ng kanyang married life at ang paghihiwalay nila ni Aljur.
Ayon sa anak ni Sen. Robin Padilla, mas naa-appreciate na niya ngayon ang buhay pati na ang pagtatrabaho para sa kanyang mga anak. Alam na raw ng aktres kung ano ang purpose niya sa mundo.
“Naa-appreciate ko talaga yung work ngayon kasi dumating yung time na akala ko hindi na ako makakabalik so it’s not like before na pagod ako, pagod na ko, ayoko na mag-work. Ngayon hindi, laban pa rin.
“I’m still game. I really want to do my best talaga saka every aspect ng show na ‘to, gusto ko kasama ako kasi gusto ko talaga yung ma-present namin sa mga tao maganda,” pahayag ng lead star ng seryeng “Bolera” sa panayam ng GMA Network.
Inamin ng aktres na talagang back to zero siya nang maghiwalay sila ni Aljur, “Nawalan din ako ng self-esteem, lahat. Nawasak lahat so I have to build from ground up while raising two kids. Ay, hindi madali yun, oh my gosh!”
Napakaraming life lesson na natutunan ang Kapuso star sa lahat ng mga challenges na hinarap niya sa kanyang personal life lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na sinundan na nga ng breakup nila ni Aljur.
“Hindi ka pwedeng maging careless sa mga desisyon, siyempre, it’s a blessing of course but since nag-pandemic, naging aware na tayo sa reality na we need to take care of our health, ganyan.
“We need work, ‘di ba, so parang sabi ko sa sarili ko be more responsible sa mga decisions. Kailangan pinagiisipan, hindi lang puro emosyon,” lahad ng celebrity mom.
Aniya pa, “Ang saya ko kasi, for the longest time, ito yung dream ko na I’m a working mom and nagagawa ko na s’ya nang maayos. Hindi na ‘ko ‘yung I’m just too sad about what happened. Ngayon, hindi na. I’m so excited na for the future.
“Excited akong magtrabaho kasi excited ako do’n sa kita ko kasi magta-travel na kami, yun na yung nasa isip ko. And naaalagaan ko na yung everyone around me, mga yaya ko, yung driver ko, everyone, naaalaganan ko na sila because I’m working.
“Ngayon may purpose na and I’m just waiting for the bigger purpose syempre nagbi-build pa ko, na-gstart ako from zero ulit e,” sey pa niya sa nasabing interview.
And yes, nakikipag-date na rin siya ngayon, “May mga nagpaparamdam nga, mga dating ganyan. Hindi na ganoon tulad ng dati na mai-in love ka tapos mababaliw ka na parang siya lang yung mundo mo, hindi na siya ganoon and for the longest time ganoon ako.
“Ngayon may sense of worth na ako, na I have my own life. Do you fit into my life? Hindi yung do I fit into your life? Iba na siya.
“Dati kasi ako mag-a-adjust, ngayon hindi na. Kayo mag-adjust sa akin. Talagang number one na yung mga bata and yung sarili ko,” diin pa ni Kylie Padilla.
https://bandera.inquirer.net/312147/kylie-ngayong-single-na-uli-siya-ang-dami-kong-natututunan-sa-sarili-ko-pero-siyempre-masakit-pa-rin
https://bandera.inquirer.net/312147/kylie-ngayong-single-na-uli-siya-ang-dami-kong-natututunan-sa-sarili-ko-pero-siyempre-masakit-pa-rin
https://bandera.inquirer.net/309351/donbelle-hindi-lang-basta-pakilig-sa-hes-into-her-level-up-ang-akting-its-not-a-joke-nakaka-drain