True ba ang chika…Coach Sarah, ‘The Voice Kids’ mapapanood na sa GMA 7?

Sarah Geronimo

TOTOO nga kaya ang chika na nabili na ng GMA 7 ang rights ng reality singing search na “The Voice Kids”?

May balitang kumakalat ngayon na very soon ay mapapanood na raw sa Kapuso Network ang “The Voice Kids” na umere noon sa ABS-CBN.

Ito raw ang dahilan kung bakit natsitsismis din na magbabalik na sa GMA 7 ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na isa sa mga umupong celebrity coach sa nasabing reality talent show.

Usap-usapan nga ngayon sa apat na sulok ng kashowbizan ang balitang lilipat na si Sarah G at ang asawa nitong si Matteo Guidicelli sa GMA at kasama nga raw ang announcement ng pag-ober da bakod ng celebrity couple sa gaganaping Thanksgiving Gala ng network sa sa Shangri-La The Fort sa July 30.

Ito’y bilang bahagi ng bonggang-bonggang 72nd anniversary ng istasyon ngayong taon. Formal black-and-white old Hollywood daw ang magiging theme ng event.

Nakita namin ang isang artcard sa social media kung saan nakasaad ang isang announcement na magaganap sa Thanksgiving Gala. Ang hula ng mga netizens, base na rin sa imaheng kalakip nito, ay si Sarah ang tinutukoy sa artcard.


Ngunit ayon sa isang nakausap namin sa GMA, mga fans lang daw ang gumawa nito at hindi galing sa social media team ng network.

Ang tanong, kung nasa GMA na ang rights ng “The Voice Kids” si Sarah nga kaya ang magiging host nito o mananatili pa rin siyang judge ng show?

At sinu-sino kaya ang iba pang magiging hurado ng programa? Makuha kaya nila uli sina Bamboo at Lea Salonga as judge? O, totally different team na ang mapapanood ng mga Kapuso? Abangan!

https://bandera.inquirer.net/290763/lyca-ibinenta-na-ang-napanalunang-bahay-sa-the-voice-kids-naiinggit-nga-ba-kay-darren

https://bandera.inquirer.net/297911/jk-labajo-puring-puri-si-janine-berdin-her-voice-is-just-unique-shes-really-kind-humble
https://bandera.inquirer.net/286644/kyle-echarri-na-bully-din-nang-bonggang-bongga-noong-sumali-sa-the-voice-kids

Read more...