Kuya Kim inisa-isa ang ibig sabihin ng mga suot na singsing

Anu-ano ang meaning ng mga suot ng singsing ni Kuya Kim?

Kim Atienza

NAPAPANSIN n’yo ba ang mga singsing na palaging suot ng Kapuso TV host at tinaguriang Kuya ng Bayan na si Kim Atienza?

In fairness, talagang hindi kumpleto ang OOTD ni Kuya Kim sa araw-araw kapag wala sa mga daliri niya ang iba’t ibang uri ng singsing na aniya’y naging bahagi na ng kanyang sistema.

Inisa-isa ng TV host at Trivia King ang ibig sabihin ng mga suot niyang ring sa isang episode ng “Dapat Alam Mo!” sa GTV at kung ano ang  konek nito sa buhay niya.

“Talagang nakagiliwan ko na magsuot ng mga ganitong singsing. Ang tawag sa mga singsing na ito ay biker’s rings,” simulang pagbabahagi ng “Mars Pa More” host.

Ayon kay Kuya Kim meron siyang  EuroMonkeys ring na sumisimbolo sa pagiging member niya ng motorcycle club.

“Kabilang ako sa isang grupo ng nagmo-motor, isang motorcycle club, kung saan kabilang si Dingdong Dantes. Ang imahe ng singsing na ito ay image ng isang monkey,” lahad niya.

Ipinakita rin ni Kuya Kim ang suot na singsing na may imahe ng Japanese superhero na si Ultraman, “Bakit naman si Ultraman? Ako po ang boses ni Ultraman.”

Palagi rin niyang suot ang singsing na sumisimbolo sa kanyang pananampalataya kay Jesus Christ. Ito raw ang palaging nagpapaalala sa kanya patungkol sa pagmamahal at pagliligtas sa kanya ng Diyos.


Sey ni Kuya Kim, “I am a Christian biker. So whenever I ride, I ride to glorify my Lord and my Savior.”

Pero sa lahat ng suot niyang singsing, ang pinakamahalaga at pinakainiingat-ingatan niya ay ang kanyang wedding ring na palaging nagpapaalala sa kanya kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Felicia Atienza.

Nitong nagdaang March, ipinagdiwang nina Kuya Kim at Felicia ang kanilang 20th anniversary, “The best decision I ever made in my life and the best thing that ever happened to me was to marry my wife, Feli, and to start our family of five.”

https://bandera.inquirer.net/284257/bakit-hindi-suot-ni-chito-ang-wedding-ring-niya-para-maka-chicks-pa

https://bandera.inquirer.net/310739/pia-wurtzbach-jeremy-jauncey-engaged-na-raw-nabuking-sa-suot-na-bonggang-diamond-ring
https://bandera.inquirer.net/315619/julia-montes-coco-martin-ikinasal-na-nga-ba

Read more...