Marco Gallo sa intimate scene nila ni Rose Van Ginkel: She’s 25 but she kisses like she’s 16

Marco Gallo sa intimate scene nila ni Rose Van Ginkel: She’s 25 but she kisses like she’s 16

FINALLY, bumigay na si Marco Gallo sa pagpapa-sexy dahil siya na ang leading man sa launching movie ng Vivamax sexy star na si Rose Van Ginkel na may titulong “Kitty K7” mula sa direksyon ni Joy Aquino produced ng Project 8 headed by Direk Dan Villegas for Viva Films.

Kaya namin nasabing sa wakas ay tumanggap na ng sexy role si Marco ay dahil napag-iiwanan na siya ng male artists sa Viva. Sa pagkakaalam kasi namin ay siya sana ang leading man noon ni AJ Raval sa “Crush Kong Curly” pero sa huling sandali ay nag beg off siya kaya si Willbert Ross ang sumalo na nagtagumpay naman.

Marahil ay hindi pa time noon ni Marco at dito sa “Kitty K7” ay ito ang bagay na role niya bilang photographer ng camgirl na ginampanan ni Rose as Hanna at nagkaroon sila ng erotic scenes

Ikalawang beses na nina Marco at Rose na magkatrabaho at nauna na sa pelikulang “Gluta” na pinagbidahan naman ni Ella Cruz for Vivamax din.

Inamin ng aktor na may awkwardness sa parte niya, “I think that factor made it even more awkward. I would’ve rather just have met her and then do this. Knowing her already and then doing this was more awkward for me.”

Mas matanda si Rose kay Marco pero ang aktor ang naging teacher pagdating sa intimate scenes.

Pagtatapat ng binata, “she says she’s 25 but she kisses like she’s 16. While we’re doing it, I was like, ‘Rose, I think I need to teach you (laughs).’ But I was joking about it. For a second it was kind of weird. But she definitely was putting me on the scene every single time and I’m glad for it.”

Inamin ng aktor na konserbatibo ang pamilya niya kaya hindi niya ipinalam sa magulang niya ang mga eksenang ginawa nila ni Rose.

 

 

“You know what’s funny? My mom doesn’t even know about this. I’m so scared right now. I’m not even lying. I’m getting so nervous talking about these positions. Yes, ma it’s just a game!” natawang sabi ng binata.

Tungkol sa iba’t ibang posisyon na ginawa nila sa kama.

“I think one of the biggest things I’ve learned in the story, we will see that my character called Krishna is fearing commitment and I think that’s one thing that I’ve learned. That you shouldn’t be afraid of commitment. With every single commitment that you choose to do in life, I think consequences will happen.

“So that’s where I think Krishna grew. Because he made a choice in the movie and we will see what happens in it and I think that applies to my life as well. You have to be confident with the choices that you make, but still be grateful with whatever spot you are. Don’t play it too safe. You have to risk it sometimes,” kuwento ng aktor.

Anyway, abangan sina Marco Gallo at Rose Van Ginkel sa “Kitty K7” sa Hulyo 8 sa Vivamax.

* * *

Kailan kaya aamin ang sumisikat na loveteam sa kanilang relasyon?

Aksidenteng nabanggit sa amin ng common friend namin na may unawaan na ang sumisikat na loveteam sa kilalang network na hindi palang nila inaamin dahil binilinan sila na huwag munang aamin.

Wala naman kaming nakikitang masama bakit ayaw ipaamin pa, e, pareho naman silang single at boto ang both parents pati na rin ang mga kaibigan.

“Bata pa kasi sila, pakilig-kilig daw muna para may mystery,” sabi sa amin.

Anong mystery do’n, e, halata namang may unawaan na at napapansin iyon sa kanilang mga mata kapag nagkakatiningan sila.

Saka ang mga kamay nila ay magkahawak sa likod na nahuhuli naman kaya bakit ayaw pang aminin, lalabas pang sinungaling sila sa kaka-deny nila.

Naalala tuloy namin ang sinabi ni Ronnie Alonte sa advance screening ng TV series nila ng girlfriend niyang si Loisa Andalio na, “ang kaibhan ng loveteam namin ni Loisa, umaamin kami na kami na, ‘yung iba hindi! Kaya umamin na kayo!”

Hmm, isa kaya ang sumisikat na loveteam sa pinaringgan ni Ronnie?

Kami man ay botong-boto rin sa sumisikat na loveteam na ito dahil bukod sa may chemistry sila ay pareho silang may itsura at matalino kaya nagkakasundo sila.

Sa kasalukuyan ay may TV series sila pero parang hindi masyadong maingay kumpara sa nauna nilang serye, bakit kaya? Kulang siguro sa promo or natatabunan ng mga seryeng mas inaabangan ng millennials, Gen X at Boomers.

Related Chika:
Marco Gallo nainis ba kay Kuya Kim matapos ang comment nito sa mensahe kay Kisses?

Read more...