Diego shookt sa tapang ni Sue, tinalakan ang mga pasaway at maiingay sa shooting

Sue Ramirez at Diego Loyzaga

IBINUKING ni Diego Loyzaga ang isang “eksena” na ginawa ng bago niyang leading lady na si Sue Ramirez habang nagsu-shooting sila para sa Vivamax original movie na “How To Love Mr. Heartless.”

Kuwento ng hunk actor, mas nakilala pa niya ang ugali at personalidad ng aktres nang magkasama sila sa nasabing pelikula na idinirek ni Jason Paul Laxamana.

At isa raw sa mga hinding-hindi niya makakalimutang pagkakataon noong nasa lock-in taping sila ay ang katapangang ipinakita ni Sue para sa kapakanan ni Direk Jason at ng buong produksyon.

May isang eksena raw kasi sila sa movie na kinunan nang madaling-araw sa loob ng classroom. Nagkaaberya raw ito dahil sa ilang katrabaho nila sa pelikula.

“Direk is the type of director na hindi siya nagagalit. He will tell you off pero hindi siya yung parang mga sumasabog na direktor. Itong si Sue, she stood up. It was like two in the morning,” simulang chika ni Diego sabay hingi ng permiso sa aktres na ikukuwento na niya ang nangyari.

“We’re all tired. Dayang umaga (ginawang eksena) ito. We had all the lights on, it was hot inside, walang aircon. Ang iingay, ayaw tumahimik yung ibang mga tao. Ang iingay nila.

“I was outside, talking to our production designer, biglang may narinig akong sumisigaw, ‘Ano, ayaw n’yo pa bang ayusin? Kami, inaayos namin ang trabaho namin!’

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ Ako naman, sugod ako sa loob ng classroom. Sabi ko, ‘Anong nangyari dito? Parang may nag-aaway?’ Siyempre reresbak ako (para kay Sue). ‘Sinong umaaway kay Sue?’

“Yun pala, may mga pasaway, yung maiingay, and I saw na Sue was doing that for Direk. I was, like, ‘Damn! I like this group. We have each other’s back.’ That really molded us, bonded us as group,” lahad ni Diego.


Samantala, after ng kanilang unang pelikula, umaasa si Sue na makakatrabaho niya uli si Diego dahil super nag-enjoy daw siya talaga sa kanilang tambalan.

Kuwento niya, “Diego would always sing. Gano’n ‘yung feel sa set, we were all very open. Pakiramdam mo mga kabarkada mo lang ang kasama mo.”

“What I discovered about him while making this project, how disciplined he has become and how he has become so mature through the years,” aniya pa.

Mapanood na ang “How To Love Mr. Heartless” sa Vivamax Plus bukas, June 10 at sa Vivamax sa June 17.

https://bandera.inquirer.net/303416/sue-pinakakalma-ni-jodi-kapag-umiiyak-hindi-siya-nagagalit-palagi-lang-siyang-kalmado

https://bandera.inquirer.net/315123/sue-todo-puri-kay-diego-lagi-kong-sinasabi-na-magaling-siya-kahit-ayaw-niyang-maniwala-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/315378/sue-binabalik-balikan-ang-araw-nang-sumugod-sa-taping-ni-jodi-grabe-hindi-ko-talaga-in-imagine-na-makakatrabaho-ko-siya

Read more...