TANGGAP na tanggap na ni Albie Casino ang pagkakaroon niya ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD at hindi na niya ito itinuturing na isang kapansanan.
Aminado ang Kapamilya hunk actor na kung minsan ay naaapektuhan din ng mental health condition niya ang kanyang pagtatrabaho ngunit agad din naman niya itong nakokontrol.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Albie sa virtual presscon ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang “Biyak” directed by Joel Lamangan. Makakasama niya rito sina Angelica Cervantes, Quinn Carillo at Vance Larena.
Dito, natanong si Albie kung ano ang advantage at disadvantage sa isang artistang tulad niya na may ADHD.
“I don’t really know what it’s like to live without ADHD so hindi ko po masasabi sa inyo ang advantage at disadvantage, kasi hindi ko siya mako-compare. Wala, e, I don’t know what it’s like to be without it.
“But I really don’t think of it as a disability anymore. I don’t think it’s a disability at all.
“I guess, mas marami lang akong energy, at saka yung mind ko, maraming iniisip. Before a scene, maraming tumatakbo sa isip ko so marami akong gustong subukan sa eksena.
“At the same time, puwede rin maging hindrance yun. Kasi, sa dami ng mga tumatakbo sa utak ko, minsan naguguluhan ako sa eksena and it’s my own fault.
“My mind is racing pero hindi ko talaga masasabi ang advantages at disadvantages because I don’t know what’s life like on the outside,” dire-diretsong pahayag ng binata.
Samantala, proud si Albie sa pelikulang “Biyak” kung saan gumaganap siya bilang pulis, “It’s not really just a sexy film. May aspect siya na ganoon, may love scenes, but it’s way more than a sexy film. To categorize it as just a sexy film will be doing a disservice to the film itself. It’s more than just a sexy film.
“It’s so hard for me to explain kung bakit sobrang astig and exciting ng role ko without spoiling a big part of my character’s involvement in the film.
“Talagang blessing na nakuha ko itong role na ‘to. I enjoyed shooting this character so much,” aniya pa.
* * *
Ano nga ba ang pamilya? Sa eskwelahan, tinuturo sa atin na ito ang basic unit of society. Dito natin unang natututunan ang prinsipyo at paniniwala sa buhay, nalalaman kung ano ang tama sa mali, dito nabubuo ang ating pagkatao.
Dito nakakahugot tayo ng lakas at hindi nakakaramdam ng pag-iisa. Sa pamilya, lagi tayong ligtas at may kasama.
Pero mapaglaro ang tadhana sa magkapatid na Violet at Samantha, dahil sa pamilya kung saan payapa at komportable ang iba, gulo at pananamantala ang nararanasan nila. Alamin ang kanilang kwento sa bagong Vivamax original movie na “Biyak” na mapapanood na sa July 1.
Si Violet (Angelica Cervantes) at Samantha (Quinn Carillo) ay magkapatid na nabuhay sa magkaibang mundo matapos ipaampon si Violet ng kanilang ina, bata pa lamang siya.
Kahit napunta sa mayamang pamilya at nagkaroon ng marangyang buhay, hindi ito naging sapat kay Violet dahil kapalit naman nito ang walang tigil na pang-aabuso at sexual harassment ng kanyang adoptive father.
Para matakasan ang ganitong buhay, hahanapin ni Violet ang tunay niyang pamilya sa tulong ng boyfriend niyang si William (Vance Larena).
Dadalhin siya ng kanilang paghahanap sa tunay niyang ina at makikilala rin ang kapatid na si Samantha, isang matapang at siga na babae na sanay sa hirap at dating drug pusher, pero ngayon ay isa ng police asset na tumutulong sa mga pulis na katulad ni Erwin (Albie Casino) para magresulba ng mga drug-related cases.
Lumaki man na may magkaibang pamumuhay, mahahanap ng magkapatid ang ‘di kanais nais nilang pagkakapareha, dahil ang mga mundong ginagalawan nila ay parehas na puno ng anumalya, droga at pananamantala.
Ngayong nakahanap sila ng kakampi sa isa’t isa at kasama na ang mga tao at pamilyang totoong nagmamahal sa kanila, makabawi na kaya sila sa lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan nila? Yan ang sasagutin sa “Biyak” ni Joel Lamangan.
https://bandera.inquirer.net/296857/albie-aminadong-may-adhd-mas-kalmado-ang-isip-kapag-nag-work-out
https://bandera.inquirer.net/314891/markki-stroem-nilabanan-ang-na-trauma-dulot-ng-mental-health-condition-adhd-became-my-super-power
https://bandera.inquirer.net/284862/rabiya-sa-pagkatalo-sa-2020-miss-u-it-was-heartbreaking-that-night-wasnt-meant-for-me