NAGING emosyonal at maluha-luha ang aktor na si Adrian Alandy nang matanong tungkol sa isang bagay na hanggang ngayon ay pinagsisisihan pa rin niya.
Hindi napigilan ng magaling na character actor ang mapa-throwback sa kanyang buhay nang mag-guest sa morning show ng GMA 7 na “Mars Pa More” kamakailan.
Sa “On The Spot” segment ng programa, kailangan kumpletuhin ni Adrian ang linyang, “Maraming bilin sa akin ang mga magulang ko pero ang number 1 na sinuway ko at pinagbabayaran ko pa rin hanggang ngayon ay ______.”
Ang naging sagot ng aktor ay ang hindi niya pag-graduate sa college, “Well, I think ‘yung hindi ko natapos ‘yung college ko.
“As magulang, ‘yun lang ang gusto nilang mangyari sa mga anak nila, makatapos ng pag-aaral. Lahat ng kapatid ko tapos sila lahat ng pag-aaral, lahat sila almost nasa ibang bansa na lahat. Kaunti na lang kaming natira rito.
“Sa akin kasi noong hindi ko natapos ko ‘yung college ko, sinabi ko, ‘I will work hard and I will… support my family, ‘yung mga kamag-anak ko na may kailangan. ‘Yun ‘yung sinabi ko sa kanila,” pag-amin ni Adrian.
Na-touch naman sa kuwento ng aktor ang mga host ng “Mars Pa More” na sina Iya Villania-Arellano, Camille Prats, Kuya Kim Atienza, pati na rin ang isa pa nilang guest na si Gardo Versoza kaya naman napa-group hug sila.
Dagdag pang pahayag ni Adrian, “’Yun ‘yung minake point ko sa kanila na kahit hindi ako makatapos, I will work hard for you guys.”
Sabi naman sa kanya ni Gardo, “Tingnan mo naman kung nasaan ka ngayon, ‘di ba? Minsan kasi hindi lang naman din ‘yun ‘yung basehan and pinaparamdam naman ng mga magulang ‘yon.
“Pero siyempre, deep down inside, iba pa rin ‘yung makakapagbigay ka sa kanila ng diploma. Pero siyempre sa narating mo ngayon, I’m sure higit pa doon ‘yung kaligayahan nila,” punto pa ni Gardo.
https://bandera.inquirer.net/291320/dj-chacha-hinamon-ng-ina-ni-heaven-mag-tag-kayo-kung-talagang-matapang-kayo-wag-puro-parinig
https://bandera.inquirer.net/290526/jodi-sa-bl-series-na-love-beneath-the-stars-meron-siyang-effect-sa-manonood
https://bandera.inquirer.net/302709/adrian-lindayag-naging-boses-ng-lgbtq-sa-serye-nina-paulo-at-janine-shookt-sa-reaksyon-ng-madlang-pipol