CONFIRMED! Pinatawan na ng parusang “persona non grata” sa Quezon City ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ang direktor na si Darryl Yap.
Aprubado na ng Quezon City Council ang resolusyon na naglalayong ideklara ang Kapuso actress at ang kontrobersyal na direktor at content creator ng persona non grata sa Quezon City.
Inakusahan kasi sila ng umano’y pambabastos sa Quezon City seal nang gamitin nila ito sa isang campaign video para sa katatapos lang na Eleksyon 2022.
Kung hindi kami nagkakamali, ito yung campaign video na kumalat sa social media na may titulong “Ligaya Delmonte” kung saan nga bumida si Ai Ai na ginawa at idinirek ni Darryl.
Parehong tagasuporta nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte sina Ai Ai at Darryl.
Sa nasabing video, makikita sa likuran ni Ai Ai ang Quezon City seal na sa halip na “LUNGSOD QUEZON PILIPINAS” ang nakasulat ay “BBM” at “SARA” ang nakaimprenta.
Gumanap sa nasabing online campaign video si Ai Ai bilang Honorable Mayor Ligaya Delmonte kung saan nagbibigay nga ito ng mensahe para sa kanyang nasasakupan. Ang paniwala ng mga nakapanood nito, binabanatan sa video si Quezon City Mayor Joy Belmonte na tumakbo at nanalong alkalde ng QC nitong nagdaang eleksyon.
Mismong si outgoing Quezon City Councilor Ivy Lagman ang naghain ng nasabing resolusyon sa 94th Regular Session ng 21st City Council.
Aniya, “I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing and bastardizing the beloved seal of Quezon City.”
Kagabi, muling naglabas ng pahayag si Lagman hinggil sa isyu sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, “Hindi ba dapat lang na ideklara na persona non grata sa QC ang mga at nambastos sa seal ng QC?
“Maybe this will make all content creators think twice before posting anything on social media such as these videos.
“That Freedom of Expression is not absolute. Hindi naman basta-basta nalang po na pwede tayo mag post ng mga gusto natin na hindi man lang pinag isipan mabuti kung ano ang mga laman ng mga pinalalabas natin sa mga tao.
“Kung ang Freedom of Expression mo ay hindi minsan nararapat–katulad ng pagsayaw mo habang pinapatugtog ang national anthem o ang pag gamit sa Philippine Flag ng hindi tama, etc., huwag natin itong gawing laging rason para lang mambastos.
“FYI Hindi po ito laban kay President-elect BBM and Vice President-elect SARA DUTERTE. Ito po ay patungkol sa paglapastang sa SEAL ng Quezon City.
“Yes you are free to be expressive with your work, but not at the expense of something which QCitizens hold in high regard.
“Quezon City prides itself with many achievements and showcases itself through its distinct corporate seal, the triangle with the pylon of Quezon Memorial Circle. It is created based on the powers given to the city through its Charter, Commonwealth Act No. 502 and Section 22(a)(3) of the RA7160 or the Local Government Code.
“Mahal po namin ang Quezon City at ang lokal na pamahalaan nito ay aming nirerespeto. Sana kayo rin,” paliwanag ng opisyal.
Ito naman ang naging reaksyon niya nang aprubahan na ang ipinasa niyang resolusyon, “The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and cast dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal.
“The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for personal and selfish interests,” dagdag pa niya.
Samantala, bago pa aprubahan ang Quezon City resolusyon, nag-react na si Direk Darry sa naging panawagan ni Lagman na humingi sila ni Ai Ai siya ng sorry sa kanilang ginawa.
Ang maikling pahayag ni Darryl, “yoko nga” kalakip ang apela ni Lagman.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement si Ai Ai.
https://bandera.inquirer.net/315393/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-papatawan-ng-parusang-persona-non-grata-sa-qc
https://bandera.inquirer.net/310018/lolit-solis-sa-pagsuporta-ni-ai-ai-kay-bongbong-dapat-ipinagmalaki-mo-kung-sino-ang-gusto-mo
https://bandera.inquirer.net/308976/pagkawasak-ng-friendship-nina-kris-at-ai-ai-dahil-nga-ba-kay-james-yap